Friday, May 25, 2012

KAPAMILYA NETWORK, PINASALAMATAN NG INA AT LOLA NI JESSICA

Labis ang pasasalamat ng ina at lola ng Filipino-Mexican "American Idol" Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez sa mga artista ng ABS-CBN para sa suportang ipinakita ng mga ito habang lumalaban ang 16-year old na singer sa singing reality competition. Pinasalamatan ng lola ni Jessica na si Virgie ang "The Buzz" host na si Boy Abunda para umano sa paghihimok sa mga Pinoy sa Estados Unidos na iboto ang kanyang apo at sa ABS-CBN correspondent na si Yong Chavez para sa paghahatid nito ng updates sa mga Pinoy tungkol kay Jessica mula sa Los Angeles. Samantala, binati naman ng ABS-CBN chairman at CEO na si Gabby Lopez III at president na si Charo Santos-Concio si Jessica para sa kanyang tagumpay at natatanging performance sa "American Idol" na talaga namang nagbigay ng karangalan sa mga Pinoy sa buong mundo. Kahit pa bigong magwagi sa kumpetisyon, inaasahan nilang umarangkada ang karera ni Jessica na gumawa ng kasaysayan bilang ang kauna-unahang contestant na may dugong Asyano na nakatuntong sa finale ng "American Idol."