Tuesday, May 15, 2012

NEW YORK-BASED PINOY FASHION DESIGNER, TAMPOK SA “BOTTOMLINE”

Kuwento ng pangarap at inspirasyon ang ibabahagi ngayong Sabado (Mayo 19) sa "The Bottomline with Boy Abunda" kasama ang New York-based Pinoy fashion designer na anak ng beteranang aktres na si Tessie Tomas na si Robin Tomas. Matapos lumihis sa yapak ng ina, alamin ang iba't ibang pinagdaanan ni Robin para maabot ang kanyang pangarap na maging isang fashion designer. Bakit hindi niya pinasok ang mundo ng showbiz? Gaano kahirap ang kompetisyon para sa mga designers sa New York? Sa mga desisyong ginawa niya upang matupad ang kanyang pangarap, mayroon ba siyang pinagsisisihan? Huwag palampasin ang kwento ni Robin ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, sa 'Ani ng Dangal 2012' awardee na "The Bottomline with Boy Abunda" ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng "Banana Split" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.