Saturday, June 23, 2012

SARAH, 'MOST FAVORITE SINGER' NG KABATAAN

Pinatunayan kamakailan ng Popstar na si Sarah Geronimo ang matinding
hatak niya sa mga kabataang Pinoy sa pagkapanalo niya ng Most Favorite
Singer award mula sa Cartoon Network. Ang award ay base sa malawakang
'New Generations 2012' survey na nilahukan ng 1,000 kabataang mula sa
Metro Manila, Cebu, at Davao.

At dahil no. 1 siya sa puso ng fans, bonggang Sunday concert
experience ang ihahandog ni Sarah ngayong Linggo (Hunyo 24) sa kanyang
solo-musical variety show na "Sarah G. Live" kasama ang OPM hit
singers na sina Randy Santiago at Gino Padilla; at ang dalawa sa
pinakatinitiliang Kapamilya leading men na sina Jake Cuenca at Enrique
Gil. Kaabang-abang din naman ang nakakakilig na experience ni Sarah
bilang isang wedding singer sa kanyang 'Sige Go' segment.

Kasama pa rin ng Popstar ngayong Linggo ang co-host na si Luis
Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle
Dapat-Sy, G-Force, at director Erick Salud.

Huwag palampasin ang trending at top-rating Sunday primetime show ng
ABS-CBN, "Sarah G. Live," pagkatapos ng "Rated K." Para sa karagdagang
updates, mag-log onsa www.abs-cbn.com o sundan ang @SGLiveOFFICIAL sa
Twitter at i-'like' ang SarahGLiveOFFICIAL page sa Facebook.