Monday, June 25, 2012

SARAH, UMEKSENA BILANG COSPLAYER!

Ginulat ni Sarah Geronimo ang mahigit 1,000 online gamers mula sa
iba't ibang sulok ng bansa nang dumalo siya kamakailan sa 2012 Toy
Convention (ToyCon), kung saan nakibahagi ang ABS-CBN Multimeda Inc.
upang ilunsad ikatlong nitong "Amped Fest." Namangha ang mga kabataan
nang makita nila ang Popstar na nakasuot ng silver na wig at espesyal
na cosplay costume na idinisenyo para lang sa kanya. Nakasama ni Sarah
ang "Amped Fest" Game Master na si Barbie Lee, International cosplayer
champion na si Jia Gold Bustamante, at ang "Amped" ambassador na si
Bolen Lareza. Bukod kay Sarah, nagdagdag ningning rin sa okasyon ang
Kapamilya child wonder at bida ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na
"Lorenzo's Time" na si Zaijan Jaranilla. Bilang bahagi ng pagbabalik
ng "Amped Fest," namigay ng mga bigating papremyo ang ABS-CBN
Multimedia sa mga kalahok ng convention. Tumanggap ng Amped Galaxy
Cosplay award ang cosplayer na si Jaycell Vasquez na nagwagi ng P5,000
cash prize, at Game Master contract para sa kanyang pagganap bilang
Melfi ng 'Cosmic Break.' Inilunsad din ng "Amped" sa ToyCon ang
pinakabagong kapanapanabik na online games nito—ang massive
multiplayer third-person shooter game na 'Cosmic Break;' ang action
RPG (role playing game) na 'C21: Street Battle Chronicles;' at ang
'Relic of Mystra' at version 4 patches ng flagship brands ng Amped na
Shaiya and WarRock. Huwag palampasin ang pinakabagong online games na
hatid ng gaming brand ABS-CBN Multimedia na Amped. Para sa karagdagang
impormasyon at updates, mag-log on lang sa www.amped.ph,
www.shaiya.ph, at www.warrock.ph.