Monday, June 25, 2012

“THE X FACTOR PHILIPPINES,” WAGI SA NATIONAL TV RATINGS; NAG-TREND PA WORLDWIDE SA TWITTER

Inabangan, tinutukan, at talaga namang pinag-usapan ng mas maraming
kabahayan ang biggest musical event sa taong ito, ang "The X Factor
Philippines," matapos itong pumalo sa national TV ratings noong Sabado
(June 23) at Linggo (June 24) base sa datos ng Kantar Media na sakop
ang parehong urban at rural areas sa bansa. Sa unang gabi nito ay agad
na nakakuha ang programa ng national TV rating na 25.1% o mas mataas
ng 10 puntos kaysa kalabang programa na "Kapuso Mo Jessica Soho" na
may 15.6%. Ito rin ang ikatlong pinakapinanood na programa sa buong
bansa sa araw na iyon. Pagsapit ng Linggo ay nanatili pa rin itong
nangunguna sa kanyang time slot sa rating na 20.3% kontra "Pare %
Pare" (10%) ng GMA at "Miss World-Philippines Pageant Night" (3.8%) sa
TV 5. Bukod pa riyan, gumawa rin ng ingay sa Twitter ang programa at
nag-trend worldwide kabilang na ang celebrity judge-mentor na si
Charice na napansin ng marami online dahil sa kanyang very energetic,
emosyonal, at mapangahas na mga reaksyon at komento sa contestants.
Ngayon pa lang ay inaabangan na nga kung sino sino pa sa mga kalahok
ang magpapabilib sa mga manonood at kung anong tensyon ang posibleng
mamagitan sa mga judge-mentors. Isa na kaya sa mapapanood mo ngayong
Sabado (June 30) at Linggo (July 1) ang susunod na singing superstar?
Huwag palalampasin ang pagpapatuloy ng pinakamalaki at
pinakaengrandeng musical event ng taon, ang "The X Factor
Philippines," kasama si KC Concepcion bilang host at sina Martin
Nievera, Gary Valenciano, Charice, at Pilita Corrales bilang celebrity
judge-mentors, tuwing Sabado, pagkatapos ng "MMK," at Linggo,
pakatapos ng "Sarah G Live," sa ABS-CBN.