Saturday, July 21, 2012

MGA BAGONG IMBENSYON NG MGA PINOY SA “MATANGLAWIN”

Kikilalanin ni Kuya Kim, kasama ang guest host na si Teddy Corpuz, ang husay ng mga Pinoy inventor ngayong Linggo (July 22) sa "Matanglawin."

 

Talagang likas na malikhain at matatalino ang mga Pilipino kaya naman hindi na nakapagtatakang kaya nilang makagawa ng mga gamit tulad ng gadget na kayang patayin ang appliances sa pamamagitan ng isang tawag gamit ang celphone o kaya backpack na maaring magsilbi bilang charger gamit lang ang enerhiyang nakukuha mula sa araw.

 

Susubukan din ni Kuya Kim ang mga imbensyong kayang galawin ang mga tao tulad ng segway na de-baterya, natutuping bisikleta, at jumping stilts.

 

Ang "Matanglawin" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga pogramang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging "da best" sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Huwag palalampasin ang "Matanglawin" ngayong Linggo (July 22), 9:15 AM sa ABS-CBN. Bisitahin ang ABS-CBN Social Media Newsroom (SMN) sawww.abscbnpr.com para sa updates, photos, videos, interviews, at presscon podcasts. Sundan ang @abscbnpr sa Twitter at i-'like' ang ABS-CBN SMN sahttp://facebook.com/abscbnpr.