Tuesday, July 3, 2012

SPORTS AT IBA PA, TEMA NG CHALK NGAYONG HULYO

Panahon na naman kung saan lahat ng estudyante ay nagpapakita ng
suporta para sa kani-kanilang university teams sa pamamagitan ng
pagsuot ng kanilang school colors. Ito na nga ang pinakahihintay sa
mundo ng kolehiyo – ang ika-75 na UAAP season. Hatid ng isyu ng CHALK
ngayong buwan ang taunang pagbibigay pugay sa mga student-athletes sa
handog na UAAP special. Kilalanin ang cover boys na magpapakitang
gilas sa hard court na sina Gab Reyes ng La Salle at Kris Porter ng
Ateneo. Mga scoop at balita naman ang hatid ng CHALK tungkol sa mga
paborito ninyong UAAP players, NCAA forecasts, at ang espesyal na
pagpapakilala sa star players na sina Kiefer Ravena at Jeron Teng.
Samantala, makikita din sa isyu ang mga bago sa mundo ng fashion;
malalaman kung paano pumorma gamit ang inyong paboritong sportswear at
mayroon ding makeup tips na hango sa paparating na London Olympics.
Huwag din palampasin ang bagong section na "the Social Experiment"
kung saan isang manunulat ang maglalahad ng kanyang experience sa
pag-audition bilang MYX VJ. Lahat ng 'yan at marami pang iba sa isyu
ng CHALK magazine ngayong Hulyo. Available na sa mga newsstands at
bookstores!