Friday, August 31, 2012

MAGKAINTINDIHAN KAYA SI RYAN BANG AT SI BANKER SA ’DEAL?’

Kilalang baluktot ang dila sa pagsasalita ng Filipino ang Koreanong si Ryan Bang at ngayong Sabado (Sep 1), kakaharapin niya ang hamon ng pakikipagtawaran at pakikipag-areglo kay Banker sa hit game show na "Kapamilya Deal or No Deal." Bukod sa tanong na 'deal or no deal?' isang malaking katanungan sa nakararamin kung magkaintindihan ba silang dalawa. Kasama ang mga malalapit na kaibigan pati na ang "Banana Split" co-stars niya na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco, susubukan ni Ryan na makuha ang P2 milyong jackpot sa isang kwela at makulit na episode. Palarin kaya siya at hiranging susunod na milyonaryo para sa edisyong ito? Huwag palalampasin ang "Kapamilya Deal or No Deal" tuwing Sabado, pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN. Ipahagay ang inyong mga opinyon, reaksyon, at saloobin sa programa sa Twitter gamit ang hashtag na #KapamilyaDOND.