Wednesday, September 5, 2012

GARY AT PILITA, DEHADO NA SA “X FACTOR”

Dehado na sa "The X Factor Philippines" ang judges na sina Gary Valenciano at Pilita Corrales dahil tig-isa na lang sila ng manok na pambato sa kumpetisyon. Una nang nalagasan ng dalawang mentee si Pilita at noong Linggo (Sep 2) lang, nagpaalam na si Gary sa ikalawang grupong na-eliminate mula sa kanyang kampo, ang Takeoff. Napunta sa bottom two ang Takeoff kasama si Joan Da ng Over 25s category at dahil sa tumabla ang boto ng mga judges sa kung sino ang pauuwiin, sumailalaim ang kumpetisyon sa isa na namang deadlock. Base sa resulta ng text votes, pinakamababa ang nakuhang boto ng all male group na 6.59% kumpara kay Joan na may 9.99% kaya naman natuldukan na ang kanilang 'X factor' journey. Kung si Gary at Pilita ay may tig-isa pa, dalawa naman ang lumalaban pa para sa Girls category ni Charice na sina KZ Tandingan at Allen Sta. Maria habang kumpleto at hindi pa rin matinag ang mga Boys ni Martin Nievera na kinabibilangan nina Jeric Medina, Gabriel Anciano, at Kedebon Colim. Ano kaya ang aawitin ng top 7 ngayong linggo? Sino kaya ang uuwi sa susunod na elimination night? Huwag nang bibitiw sa mas tumitindi pang kumpetisyon sa"The X Factor Philippines," kasama si KC Concepcion bilang host, tuwing Sabado, pagkatapos ng "MMK," at Linggo, pakatapos ng "Sarah G Live," sa ABS-CBN. Sundan ito sa Twitter via @thexfactorphil at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/XFactorPhOfficial.