Monday, September 3, 2012

KAPAMILYA STARS, TATAKBO PARA SA PASIG RIVER

 Sasabak sa takbuhan ang ilan sa pinakasikat na celebrities ng ABS-CBN para suportahan ang panawagang linisin ang Ilog Pasig sa "09.30.2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River" na gaganapin sa Quezon City sa September 30, 2012.


Pangungunahan nina Piolo Pascual at Matteo Guidicelli ang category na CEO River Warrior Run, na bukas lamang para sa mga business executive na donors din ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig (KBPIP) ng ABS-CBN Foundation. Samantala, tatakbo naman sina Kim Chiu, Maja Salvador, Maricar Reyes, at Xian Lim sa 5km Madness Run.

 

Makakasama nila ang libu-libong Pinoy sa advocacy event na may mga kategorya ring 15K Ride & Roll para sa mga siklista at skateboarders, at ang 15K Commonwealth Challenge Run . Mag-uumpisa ang lahat ng ito sa iisang starting line sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) na tutuloy sa Commonwealth Avenue at pabalik sa QCMC para sa finish line. 

Estratehiya ng KBPIP na linisin ang lahat ng estero na dumadaloy patungong Ilog Pasig sa loob ng pitong taon para lubusang malinis ito. 

Kilala ang KBPIP sa pag-oorganisa ng tatlong matatagumpay na takbuhan para sa Ilog Pasig, kabilang na ang 2009 Philippine International Marathon: A Run for the Pasig River ay nagkaroon ng 23,000 kalahok, ang makasaysayang 10.10.10 Run for the Pasig River na nagtamo ng Guinness World Record para sa "pinakamaraming kalahok sa isang racing event" na may 116,087 mananakbo, at ang pinakamalaking racing event sa bansa noong nakaraang taon na 11.20.2011 Run for the Pasig River, na nagkaroon ng 86,547 kalahok.

Pinondohan ng mga takbuhang ito ang rehabilistasyon ng Estero de Paco, isang sanga ng Ilog Pasig na may habang 2.9 kilometro, at ang paglilinis ng Estero de San Miguel at apat pang estero sa likod ng MalacaƱang Palace. 

Patuloy pa rin ang registration para sa "09.30.2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River" sa mga booth sa SM North EDSA, SM Megamall, at SM Mall of Asia. Para sa updates ng advocacy run, mag-log on sa www.runforthepasigriver.com , i-like ang www.facebook.com/runforthepasigriver  o sundan ang @run4pasigriver sa Twitter.