Friday, September 14, 2012

KIM-XI, KATH-NIEL, FRANC-ELLA AT JODI-RICHARD, MAGPAPAKILIG NG KANILANG FANS

Walang kapantay na kilig ang handog ng "ASAP 2012" ngayong Linggo (Setyembre 16) sa 'music and dance moves of the decades' episode kung saan tampok ang tatlo sa pinakasikat na love teams sa bansa ngayon--ang KathNiel o sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng "Princess and I;" FranCella o sina Ella Cruz at Francis Magundayao ng "Aryana;" at KimXI o sina Kim Chiu at Xian Lim ng upcoming Primetime Bida teleserye na "Ina, Kapatid, Anak."

Bukod sa mga sorpresang handog ng Kapamilya primetime loveteams, tuloy-tuloy ang selebrasyon sa "ASAP 2012" sa grand launch ng official soundtrack ng no.1 daytime 'kilig-serye' sa Pilipinas na "Be Careful With My Heart" kasama ang mga bida nitong sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap; at sa bonggang birthday bash ng Kapamilya leading man na si Jericho Rosales.

Abangan din ang non-stop suprises na inihanda nina Luis Manzano at Shaina Magdayao; at ng kinakikiligang ASAP POPables na sina Xian, Gerald Anderson, Enchong Dee, at Rayver Cruz.

Samantala, saksihan ang isa na namang world-class performance na ihahandog ng nag-iisang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano kasama sina Billy Crawford, Christian Bautista, Sam Milby, at Bamboo.

Tiyak na mapapamangha muli ang lahat sa makatindig-balahibong concert experience na ihahatid nina Martin Nievera, Vina Morales, Erik Santos, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Karylle, Nikki Gil, at ng ASAP Sessionistas.

Tunghayan din ngayong Linggo ang pinakamalulupit na dance moves ng dekada sa hottest Supahdance treat ng Kapamilya leading ladies na sina Erich Gonzales, Andi Eigenmann, Bianca Manalo, Megan Young, Bangs Garcia at Venus Raj; na susundan ng makapigil-hiningang showdown nina Enrique Gil, Empress, at Khalil Ramos.

Makisaya sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na "ASAP 2012" ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-'like' ang http://facebook.com/asapofficial.