Friday, September 14, 2012

SARAH, TINANGHAL NA CONCERT PERFORMER OF THE YEAR

Tumanggap ng panibagong parangal ang Popstar na si Sarah Geronimo kamakailan matapos tanghalin bilang 'Concert Performer of the Year' sa katatapos lamang na 4th PMPC Star Awards for Music.

At ngayong Linggo (Setyembre 16), patutunayan ni Sarah ang kanyang husay bilang isang performer sa isa na namang world-class concert experience sa kanyang solo musical variety show na "Sarah G. Live!" Abangan sa "SGL" concert stage ang makatindig-balahibong musical spectacle na inihanda ng OPM legend na si Rico Puno; na susundan ng makapigil-hiningang smash-up dance number nina Sam Concepcion, Tippy Dos Santos, at ng "Be Careful With My Heart" teens stars na sina Jerome Ponce at Janella Salvador.

Samantala, aapaw naman ng saya at katatawanan sa "SGL" ngayong Linggo sa mga hirit at punchline ng comic divas na sina Tessie Tomas, Jon Santos, Mitch Valdez at Nanette Inventor; at sa pagbabalik ng Kapamilya heartthrob na si Robi Domingo bilang guest co-host ng Popstar.

Kasama pa rin naman ni Sarah ngayong Linggo ang resident dance royalty na si Gab Valenciano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, G-Force, at director Erick Salud.

Huwag palampasin ang trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN, "Sarah G. Live," 8:15pm, pagkatapos ng "Rated K." Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com o sundan ang @SGLiveOFFICIAL sa Twitter at SarahGLiveOFFICIAL sa Facebook.