Monday, October 15, 2012

EPEKTO NG MALNUTRISYON SA PAG-AARAL, BUBUSISIIN NI KAREN SA “KRUSADA”

Malnutrisyon ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit hindi nakapag-aaral nang maayos ang mga estudyante sa bansa. Sa tala ng Department of Education, nasa dalawang milyong mag-aaral sa bansa ang kulang sa timbang.

Ngayong Huwebes (Oct 18) sa "Krusada," bubusisiin ni Karen Davila ang kahalagahan ng tamang nutrisyon para sa mga batang mag-aaral upang mabigyang pansin ito ng mga paaralan at mga magulang. Ani Karen, maraming masusustansiyang pagkain na abot-kaya sa bulsa at kailangan lamang matuto ang mga magulang na lutuin ang mga ito na magugustuhan ng mga bata.

"Ang pagkain ay hindi lamang para sa tiyan kundi para sa utak din. Kailangang magkaroon ng tamang nutrisyon ang mga estudyanteng Pilipino kung nais natin ng isang matalino at listong bagong henerasyon," pahayag ni Karen.

Kilalanin ang 14 na taong gulang at first year high school student na si Arnel Tamayo na nagtitiis sa eskwela na walang kinakaing almusal bago pumasok simula pa noong siya'y Grade 1. Kaya naman inaantok siya at walang gana sa klase.

Tulad ni Arnel, mababa rin ang timbang ng mga kapwa niya first year students na sina Lenvie, Jaymar at Rommel. Nasa 18-25 kilo lamang ang timbang ng tatlong bata, di hamak na mas maliliit kumpara sa kanilang mga kaklase. Dahil sa pagiging 'undernourished,' hirap silang maging aktibo sa klase.

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, manood ng "Krusada" ngayong Huwebes (Oct 18) pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. Para sa updates ng programa, sundan ang @krusadaTV sa Twitter o i-like angwww.facebook.com/Krusada. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes ng "Krusada," bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/krusada.