Monday, October 8, 2012

MGA KANDIDATONG SENADOR SA 2013, KIKILATISIN SA “PATROL NG PILIPINO”

Kikilalanin bukas (Oct 9) sa "Patrol ng Pilipino" ang mga sikat na pangalan, makukulay na personalidad, at mga bagong alyansa ng mga kakandidatong senador sa 2013 halalan.

 

Sisiyasatin ni Ron Gagalac ang mga kandidatong mula sa dating magkakatunggaling partido na ngayon ay nagsama-sama na sa isang bagong alyansa na isa umanong diskarte para para magwagi sa senatorial elections. 

May magandang maidudulot nga ba ang mga pag-aanib na ito sa mga botanteng Pilipino? Itatampok ni Ron ang mga lalaban mula sa bawat partido at alamin ang pulso ng bayan sa mga kandidatong ito.

 

Ibibida naman ni Ryan Chua ang iba pang grupo ng mga kakandidato para sa pagka-senador na naghahain ng kandidatura tulad ni Daniel Magtira na nagsasabing nililigawan daw niya si Kris Aquino. Gaano ba siya kadesidido sa layuning maglingkod sa bayan?

 

Kasabay ng ulat ang pag-aaral sa iba't-ibang mapangahas na karakter na gumawa ng ingay sa mga nakaraang halalan gamit ang kanilang mga kakaibang pakulo at minsang pagpapahayag ng mga pangarap at layunin para sa bansa.

 

Alamin ang mga kwento sa likod ng mga balita bukas (Oct 9) sa "Patrol ng Pilipino," ang itinanghal na Best News Magazine Program sa ika-34 na Catholic Mass Media Awards pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m. Para sa updates ng programa, sundan ang @Patrol_Pilipino sa Twitter o i-like angwww.facebook.com/PatrolNgPilipinoTV. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes ng "Patrol ng Pilipino," bisitahin lamang ang http://www.abs-cbnnews.com/patrolngpilipino.