Thursday, December 6, 2012

KUWENTO NG KABABALAGHAN, IBUBUNYAG NI ATOM SA “HIWAGA”

Simula na ng kuwento ng katatakutan at kababalaghan tuwing Biyernes ng hapon sa paunang istoryang handog ng "Hiwaga," kasama si Atom Araullo, simula bukas (Dec 7) bilang bahagi pa rin sa week-long "Pinoy True Stories" na handog ng ABS-CBN News and Current Affairs.

 

Samahan si Atom sa kanyang pagtuklas ng tunay na kuwento sa likod ng bumabalot na mga misteryo at paghanap ng solusyon sa pagbagabag sa ilang mga Kapamilya ng mga puwersa o bagay na tila mahirap paniwalaan.

 

Isa na riyan si Kim na matagal na Padang ginagambala ng mga iba't ibang elemento.

 

Bata pa lang si Kim ay halos madukot daw siya ng isang lalaking kulay asul na nagpapanggap bilang kanyang "kuya." Dinadalaw din siya ng isang 'succubus' at hinahangad na mamatay siya.

 

Maging ang pamilya niya ay hindi nakaligtas dahil ang Kunyang ina at kapatid ay nakakarinig ng mga boses at pinaparamdaman ng pinaghihinalaang Black lady.

 

Ano nga kaya ang katotohanan sa mga hindi maipaliwanag na kababalaghang ito? Ano ang sasabihin ng mga ekspertong sasama kay Atom sa kanyang pag-iimbestiga?

 

Huwag palalampasin ang unang kuwentong magbubukas sa pinakabagong "Pinoy True Stories: Hiwaga" ngayong Biyernes ng hapon (Dec 7), 4:45 p.m. pagkatapos ng "A Gentleman's Dignity" sa ABS-CBN. Para sa updates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

 

Abangan din ibang mga bagong "Pinoy True Stories" hatid ng ABS-CBN News and Current Affairds, tulad ng "Bistado" ni Julius Babao tuwing Lunes na pumalo ng 11.9& nationwide sa pilot telecast nito kontra sa kalabang programa na may national TV rating na 10%, "Engkwentro" ni Karen Davila tuwing Martes, "Saklolo" nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, at "Demandahan" ni Anthony Taberna tuwing Huwebes.