Thursday, May 31, 2012

"KRIS TV" MAS MAAGA NA!

Mas gaganda na ang bawat umaga dahil ang puno ng sayang Kapamilya morning show na "Kris TV" ay mapapanood na sa mas maagang oras simula ngayong Lunes (Hunyo 4), 8am, pagkatapos ng "Umagang Kay Ganda." Mae-enjoy na ng buong pamilya ang mas pinaaga, mas masaya at mas makabuluhang kwentuhan ni Queen of All Media Kris Aquino kasama ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa showbiz. Patuloy rin ang "Kris Reali-TV" sa paglibot sa iba't-ibang sulok ng bansa upang tuklasin ang mga tagong yaman ng Pilipinas. Simulan ang araw na puno ng good vibes, huwag palampasin ang mas pinaagang "Kris TV," simula na ngayong Lunes, 8am, pagkatapos ng "Umagang Kay Ganda," sa 'UmaGanda' block ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Wednesday, May 30, 2012

MAJA “TODA MAX” NA ANG RELASYON KAY MATTEO

Nagbabalik sa primetime si Maja Salvador sa pinakabago niyang teleserye, ang Ina, Kapatid, Anak kung saan makakasama niya si Xian Lim, Enchong Dee at Kim Chui pagkatapos ng tagumpay ng "Lumayo Ka Man Sa Akin."

Hindi madali ang role ni Maja sa bagong teleserye. Ayon sa kanya challenging ito at dapat abangan ng mga manonood ang pasiklaban nila dito ni Kim Chiu. "Agresibo po kami dito parehas dahil sa matinding pagmamahal," ayon pa kay Maja.

Hindi lamang sa teleserye may matinding pagmamahal si Maja dahil ipinagmamalaki ng dalaga na kahit busy sila ng boyfriend na si Matteo Guidicelli sa kanya-kanyang trabaho ay mas lalong tumatatag ang kanilang relasyon. "Wala nga kaming oras manood ng sine pero nagwo-workout kami madalas. Sumasama ako sa training niya," pag-amin ni Maja na masaya sa bagong sport ni Matteo na triathlon mula sa kart racing.

Nang tanungin tungkol sa pagsali sa triathlon, "Wala po akong plano na sumali sa totoong triathlon kasi po matindi ang training doon."

Samantala, guest si Maja sa "TODA Max" ngayong Sabado kung saan makakasama niya sina Bentong at Al Tantay. Gagampanan niya si Darling, ang half-sister ni Isabel (Angel Locsin). Mabibigla si Isabel sa nalaman ngunit matatanggap din niya ito at iimbitahan ang kapatid sa kasal. Ngunit, sasabihin ni Darling na hindi dapat ituloy ang kasal kasi sukob sila dahil kakakasal lang niya.

Matuloy pa kaya ang pinaka-iintay na kasalan nina Isabel at Justin Bibbo (Vhong Navarro)? Alamin sa "TODA Max" ngayong linggo na pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

ELLA, DEDMA LANG KINA KATHRYN AT JULIA?

Hindi isyu para sa bagong primetime princess at bida ng top-rating Kapamilya fantaseryeng "Aryana" na si Ella Cruz ang kompetisyong ikinakabit sa pagitan nila ng mga kapwa niya ex-"Goin' Bulilit" child stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, na ngayon ay namamayagpag na rin ang career bilang primetime lead stars ng ABS-CBN.

 

"Okay lang po sa akin na ma-compare sa kanila. Palagay ko po normal 'yun kasi pare-pareho kami ng ginagawa. Bukas po ako sa mga komento ng mga tao lalo na kapag para sa ikabubuti ko bilang artista. Basta ako, masayang-masaya sa success nila," sabi ni Ella.

 

Aminado si Ella na bagamat natutuwa siya sa mabilis na pagtaas ng ratings ng kanyang show, medyo kinakabahan rin siya dahil ditto kaya naman mas inspirado raw siyang pagbutihan pa kanyang pag-arte. Aniya, "Patuloy po akong magsisikap ii-improve ang talent ko para mas mapasaya pa ang TV viewers na laging nanonood ng 'Aryana."

 

Samantala, matapos itakwil ni Victor (Tonton Gutierrez) si Aryana bilang isang Mendez, tuluyan na bang mabubura sa puso ng dalagita ang pag-asang mabuo ang kanyang pamilya? Anong pagbabago ang magaganap sa sandaling maisakatuparan na ang sumpa ng pagiging sirena ni Aryana?

 

Huwag palampasin ang "Aryana," gabi-gabi, sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag-"TV Patrol." Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbndotcom sa Twitter.

Tuesday, May 29, 2012

STAR STUDIO, SALUDO SA DALAWANG HARI AT ISANG REYNA

Pararangalan ng Star Studio ang tatlo sa mga showbiz royalties na sina King of Comedy Dolphy, Star for all Seasons Vilma Santos at King of Contemporary Cinema John Lloyd Cruz ngayong Hunyo.

Kasama ang kanilang mga kaibigan, kapamilya at mga nakasama sa kani-kanilang mga trabaho, pag-uusapan ang paglaki ni John Lloyd sa showbiz, ang personal at propesyonal na buhay ni Dolphy, at ang paglampas ng movie queen Vilma Santos sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay at ang tunggalian nila ni Superstar Nora Aunor. Abangan din ang mga litrato na nagpapakita ng istorya ng kanilang buhay.

Samantala, bibigyan tayo ng eksklusibong sneak peek ng primetime princess na si Julia Montes sa bahay na kanyang ipinagawa para sa kanyang pamilya. Malalaman din natin paano naging isang tanyag na actress si Katerina ng Walang Hanggan.

Itatampok din sa Star Studio ang pinakabagong Kapamilya na si Iza Calzado na itinuturing na susunod sa yapak nina Lolita Rodrigues, Hilda Koronel at Charito Solis bilang susunod na drama queen.

Ang kontrobersyal na mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla ay magbabahagi din ng kanilang mga litrato mula sa kanilang Morocco trip. Lahat ng ito sa June 2012 issue ng Star Studio Magazine.

Friday, May 25, 2012

COCO, MAGPAPAULAN NG KILIG SA “ASAP 2012”

Kasabay nang pagpasok ng tag-ulan, bubuhos ng kilig at saya sa  "ASAP 2012" ngayong Linggo (Mayo 27) sa pagbisita ng mga bida ng Star Cinema upcoming movie na "Born to Love You" na sina Coco Martin at Angeline Quinto; na susundan ng cast ng pinakabagong teleseryeng "Hiyas" sa pangunguna nina Zanjoe Marudo at Megan Young.

 

May engrandeng back-to-back birthday celebration para kina 'Divine Diva' ZsaZsa Padilla at 'Rockoustic Heartthrob' Sam Milby; espesyal na production number ng teleserye princesses na sina Nikki Gil, Jessy Mendiola, at Julia Montes; at ang bigating face-off ng Kapamilya leading ladies na sina Iza Calzado at Cristine Reyes.

 

Show-stopping performances pa din ang ipamamalas ng ASAP mainstays na pangungunahan ng never-before-seen moves ni 'Mr. Pure Energy' Gary Valenciano kasama sina John Prats, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, at Iya Villania sa isang espesyal na 'Supahdance' segment.

 

Tiyak naman na mapapabilib ang lahat sa world-class theatrical number na handog nina Vina Morales, Sam Concepcion, Nyoy Volante, Markki Stroem, Tippy Dos Santos, Tom Rodriguez, K-La Rivera, at Guji Lorenzana; sa makatinding-balahibong vocal act nina Juris, Jed Madela, Anja Aguilar, at ASAP Pinoy Champs; at sa 'boy band' tribute ng crooners na sina Christian Bautista, Richard Poon, Jericho Rosales, Paolo Valenciano, at ASAP Boys R Boys.

 

Samantala, kukumpleto sa saya ang hatawan sa ASAP dance floor ng "Pinoy Big Brother: Teen Edition 4" evictees na sina Claire, Nikka, at Vince kasama sina John, at Bugoy sa 'Dance U' segment.

 

Makisaya sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na "ASAP 2012" ngayong Linggo, 12:25 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-'like' ang http://facebook.com/asapofficial.

‘DINOSAUR KING’ MAGSISIMULA NA SA TEAM ANIMAZING NG ABS-CBN

Magbabalik na ang mga dinosaur, hindi sa lupa, kung hindi sa telebisyon kasama pa ang tatlong bagong bidang kids na na tiyak susubaybayan mo tuwing umaga sa "Dinosaur King," simula ngayong Lunes (May 28) sa ABS-CBN.

 

Matatalik na magkakaibigan sina Max, Rex, at Zoe at tulad ng ibang kabataan, nais lang nila magsaya at mag-bonding ng magkakasama. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman na isang malaking adventure ang naghihintay sa kanila matapos nilang matagpuan ang mga card na nagiging dinosaurs sa kagubatan.

 

Una'y animo'y mga bagong alaga lang ang kanilang nahanap pero ang mga dinosaur na ito ay nangangailangan pala ng kanilang tulong dahil ikinulong sila at iba pa nilang kauri sa naturang cards ng isang misteryosong grupo na kung tawagin ay Alpha Gang.  Ang naturang grupo ay hangad na makumpleto ang lahat ng dinosaur cards para hirangin silang 'dinosaur king' at maghasik ng lagim sa sanlibutan.

 

Kaya naman ang misyon nina Max, Rex, ay Zoe ay maunahan ang Alpha Gang na makuha ang mga card at maisalba sa kapahamakan ang mga kapwa dinosaur ng kanilang bagong mga kaibigan.

 

Magtagumpay kaya sila sa kanilang misyon? Sino ang tatanghaling "Dinosaur King?"

 

Ang "Dinosaur King" ay programa ng ABS-CBN sa ilalim ng kanilang "Bida Best Kid" campaign na naglalayong himukin ang mga batang Pinoy na maging 'da best' sa anumang larangan at abutin ang kanilang mga pangarap. Tulad nina Max, Rex, at Zoe, ang kabataang Pinoy ay mahilig tumuklas ng mga bagong bagay at matapang na sumasabak sa mga adventure.

 

Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng "Dinosaur King," simula ngayong,   Lunes (May 28), 8:15 AM, sa Team Animazing ng ABS-CBN.

THE AVENGERS, MAKAKASAMA NI KUYA KIM

Isang Pinoy nga ang magiging bagong miyembro ng superheroes na The Avengers at iyan ay walang iba kung hindi ang Trivia King na si Kuya Kim.

Magsasanib puwersa sila ngayong Linggo (May 27) para sa isang maaksyon at maimpormasyong episode ng multi-awarded educational program na "Matanglawin."

Samahan si Kuya Kim sa kanyang pagbibigay trivia tungkol sa mga paborito mong Avengers na sina Iron Man, Captain America, Thor at Black Widow pati na rin si Bumble Bee ng Transformers at ang isa sa pinakasikat na superhero sa mundo, si Superman.

Kilalanin din ang cosplayers na nagsasabuhay sa mga tanyag na anime at cartoon characters sa pamamagitan ng paggaya sa kanilang mga kasuotan.

Kung may superhero, dapat may super villain kaya naman makakasama rin ang "It's Showtime" host na si Teddy Corpuz bilang kontrabidang si Lawin Man. Kayanin niya kaya si Captain America sa isang duwelo?

Ang "Matanglawin" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga pogramang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging "da best" sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Sumama na sa adventure ni Kuya Kim at ng Avengers sa "Matanglawin" ngayong Linggo (May 27), 9:15 AM sa ABS-CBN.

KAPAMILYA NETWORK, PINASALAMATAN NG INA AT LOLA NI JESSICA

Labis ang pasasalamat ng ina at lola ng Filipino-Mexican "American Idol" Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez sa mga artista ng ABS-CBN para sa suportang ipinakita ng mga ito habang lumalaban ang 16-year old na singer sa singing reality competition. Pinasalamatan ng lola ni Jessica na si Virgie ang "The Buzz" host na si Boy Abunda para umano sa paghihimok sa mga Pinoy sa Estados Unidos na iboto ang kanyang apo at sa ABS-CBN correspondent na si Yong Chavez para sa paghahatid nito ng updates sa mga Pinoy tungkol kay Jessica mula sa Los Angeles. Samantala, binati naman ng ABS-CBN chairman at CEO na si Gabby Lopez III at president na si Charo Santos-Concio si Jessica para sa kanyang tagumpay at natatanging performance sa "American Idol" na talaga namang nagbigay ng karangalan sa mga Pinoy sa buong mundo. Kahit pa bigong magwagi sa kumpetisyon, inaasahan nilang umarangkada ang karera ni Jessica na gumawa ng kasaysayan bilang ang kauna-unahang contestant na may dugong Asyano na nakatuntong sa finale ng "American Idol."

MARICAR, MAGBABALIK HINDI DAHIL SA PAG-IBIG, KUNG HINDI DAHIL SA OFFER NI BANKER

Maaring sawi dahil sa pag-ibig ang kanyang karakter na Agnes sa sa teleseryeng "Dahil sa Pag-Ibig" ngunit palarin naman kaya si Maricar Reyes dahil sa swerte sa kanyang pagharap kay Banker ngayong Sabado (May 26) sa "Kapamilya Deal or No Deal." Makikipagtawaran nga ang doktorang aktres sa pag-asang masungkit ang P2 milyon jackpot. Ito ang unang pagkakataon na maglalaro si Maricar sa isang game show kaya ganun na lang ang pananabik niya. Sa katunayan, pinaayos niya pa ang schedule niya para lang mapaunlakan ang alok ng KDOND dahil nagkataong may taping siya sa araw na ite-tape rin ang kanyang laro. Palarin kaya si Maricar? Maging mabait kaya sa kanya si Banker sa pagbibigay nito ng offers? Huwag palalampasin ang "Kapamilya Deal or No Deal" ngayong Sabado (May 26), pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN.

Thursday, May 24, 2012

“BORN TO LOVE YOU,” MARAMI NA ANG NAG-AABANG!

Magaganda at madami ang positive feedback ng full-trailer ng "Born to Love You", ang pinakabagong pelikula mula sa Star Cinema! The more you watch the trailer, the more it gets you excited to watch the movie! Mukhang isang big success na naman ang pangalawang handog ng Star Cinema for their 19th anniversary!

Madami din ang naaliw at natuwa sa mga nakaka-kilig na eksena nina Coco Martin at Angeline Quinto! Hindi talaga maikakaila ang malakas na appeal ni Coco Martin as a leading man, lalo pa nga na alam ng lahat kung gaano s'ya kahusay umarte that's's why he's being heralded now as the most awarded actor of his generation! As for Angeline naman, mukhang may ibubuga nga sa pag-arte sa big screen ang tinatagurian ngayong Queen of theme songs! In fairness, maganda ang rehisto n'ya sa big screen at natural ang pag-arte!

It is also inspiring to take note that as far as Angeline is concerned, everything started with a dream! Nangarap s'yang maging isang sikat na singer at nakamit naman n'ya ito nang manalo s'ya sa Star Power. At ngayon naman, ang isa pa n'yang pangarap na makagawa ng pelikula at makapareha si Coco ay natupad din! Sabi nga, dreams do come true!

Dahil dito, talgang marami na ang nag-aabang na mapanood ang pelikulang "Born To Love You" na idinirehe ni Jerome Pobocan sa kanyang kauna-unahang mainstream movie. Direk Jerome has been directing for television for the almost 15 years now, at kasama sa mga nai-direk n'ya ay ang mga ABS-CBN top-raters na "May Bukas Pa", "Nasaan ka Elisa?" at "Mara Clara" to name a few. With these past teleseryes, it's almost sure na maganda din ang kakalabasan ng "Born to Love You"!

"Born to Love You" is co-produced by Cine Media and also stars Albert Martinez, Eula Valdez, Al Tantay, Malou de Guzman and the special participation of Tonton Gutierrez,. It will also hold its grand red carpet premiere on May 29 at the SM Megamall Cinema 9 at 6PM.

For more of "Born to Love You", please visit www.StarCinema.com.ph or Facebook.com/StarCinema orTwitter.com/StarCinema.

"Born to Love You" opens nationwide in over 100 theaters on May 30!

ELLA, MAY BAGONG KA-LOVE TEAM?

Tuluyan nang nabihag ng pinakabagong Kapamilya primetime princess na si Ella Cruz ang puso ng TV viewers sa patuloy na pamamayagpag ng teleserye niyang "Aryana" sa national TV ratings. Patunay dito ang pinakahuling datos ng Kantar Media, kung saan humataw ito ng 19% national TV rating kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "Alice Bungisngis" nakakuha lamang ng 11.5% national TV rating.

Sa bilis ng takbo ng mga eksena, matindi ang kapit ng mga manonood sa kuwento ni Aryana (Ella) lalo na ngayong may bagong binatilyong umaaligid dito--ang kaklase niyang si Hubert, na ginagampanan ng bagong Kapamilya teen star na si Dom Roque.

Sa pagpasok ni Dom sa buhay ni Aryana, may mababago kaya sa buhay ng tween mermaid? Magiging malaking hadlang ba si Dom sa namumuong espesyal na pagtitinginan ng magkababatang sina Aryana at Marlon (Paul Salas)?

Samantala, sa hindi na mapigilang paglalapit ng mundo ni Aryana at ng ama niyang si Victor (Tonton Gutierrez), tuluyan na kaya siyang kilalanin bilang isang tunay na Mendez? Matanggap naman kaya siya ng kapatid niya sa ama na si Megan (Michelle Vito) o ang paglabas ng katotohanan ang hudyat ng isang mas malaking away?

Huwag palampasin ang "Aryana," gabi-gabi, sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag-"TV Patrol. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

BOYS NG “DREAM HIGH,” NAKAKA-HIGH SA KAGWAPUHAN AT TALENTO

Gabi-gabi'y pinapakilig na nga ang sambayanan ng naggagwapuhang boys ng phenomenal hit Korean series na "Dream High" na kinabibilangan ni Taecyeon bilang Gino, Wooyoung bilang Jason, at Kim Soo-Hyun bilang Marco. Si Taecyeon at Wooyoung ay parehong miyembro ng sikat na Kpop group na 2PM. Unang pagkakataong umarte ni Wooyoung sa "Dream High" kaya naman ganun na lang ang pananabik dito ng kanyang fans habang si Taecyeon naman ay nagsimulang maging aktor sa seryeng "Cinderella's Sister." Tanging si Soo-Hyun ang cast ng idol drama na hindi singer o miyembro ng boy band ngunit may angking talento sa pagkanta. Ang pagganap niya bilang Marco ang tuluyang nagpaangat ng karera niya dahil kaliwa't kanang parangal ang natanggap niya rito. Hanggang ngayon ay tinatamasa pa rin ng tatlo ang kasikatang dala sa kanila ng "Dream High" na katatapos lang ipalabas ang ikalawang yugto ng serye sa Korea. Kamakailan, pinarangalan ang "Dream High" ng Golden Rose award sa "Children and Youth" category ng prestihiyosong Rose D'Or Awards sa Switzerland kung saan ito ang tanging programang nominado mula sa Asya. Patuloy na panoorin sina Taecyeon, Wooyoung at Soo-Hyun sa award-winning serye na "Dream High," Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "PBB Teen Edition 4" sa ABS-CBN.

TED, TATALAKAYIN KUNG SAAN NGA BA NAPUPUNTA ANG AMUSEMENT TAX

Kaliwa't kanan ang naging batikos sa ginanap na concert ng international pop star na si Lady Gaga lalo an patungkol sa aspeto ng relihiyon dahil alagad diumano ng demonyo ang singer. Ngunit sa pananaliksik ng "Failon Ngayon," napag-alaman ni Ted Failon na may mas mabigat pa palang suliraning dapat mas pagtuunan ng pansin at ito ay  kung saan napupunta ang amusement tax na sinisingil ng local government na pinagdausan ng concert.

Ang amusement tax ay buwis na binabayaran ng mga artists sa lokal na gobyerno mula sa kabuuang kita ng kanilang concert. Base na rin sa Section 140 ng RA 7160, ang Amusement Tax ay mapupunta sa pag-develop ng teatro, pagsasagawa ng workshop sa mga lokal na artista at ang matitira ay paghahati-hatian ng munisipyo.

Kung susumahin, sa P15,000 ticket na binayaran ninyong ticket para mapanood si Lady Gaga, ilang porsyento kaya nito ang mapapakinabangan ng taong bayan?

Magkano ang napunta sa Lungsod ng Pasay? Sino nga ba ang mas nakikinabang sa mga malalaking konsyertong tulad ng kay Lady Gaga?

Tunghayan ang buong ulat ni Ted ngayong Sabado (May 26), 5 PM sa ABS-CBN. Mapapanood ang replay nito tuwing Linggo sa ANC (SkyCable ch 27), sa ganap na 2 PM.

'REUNION' NG THE ERASERHEADS, MABENTA SA MUSIC FANS

Humahataw na sa record bars ang kalulunsad lamang na tribute album ng Star Records para sa iconic Filipino pop-rock band na The Eraserheads.

Isang linggo matapos i-release, no. 4 na agad ang "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album," sa overall (xwwqwpinagsamang foreign at OPM categories) top-selling albums ng Astroplus mula Mayo 10 hanggang Mayo 16.

Ang tagumpay na ito, ayon sa co-producer ng album na si Darwin Hernandez, ay magandang bunga ng halos apat na buwang pagsisikap ng grupo ng Star Records, crew, at ng mismong mga singer at bandang bahagi ng 'The Reunion.'

"Hindi lang kasi ito basta-basta album, tribute ito sa bandang napakalaki ng naiambag sa Philippine music at sa mismong kultura nating mga Pinoy," ani ni Darwin. "Ito ay pinag-isipan, pinaghandaan, at talagang 'kinarir' naming lahat ang pagbuo ng bawat kanta sa album."

Collector's item daw na maituturing ang 'The Reunion' dahil hindi lang ito para sa henerasyon na namulat sa musika ng The Eraserheads kundi maging sa mga kabataan ngayon. Aniya, "Ginawa namin ang album na may respeto sa musika nila Ely Buendia, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro at sa kontribusyon nila sa music history. Ang mga bata ngayon na hindi pa ipinapanganak 20 years ago ay madi-discover ang kahusayan ng bandang muling bumuhay ng Pinoy rock noong 1990's."

Tampok sa "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album" ang natatanging koleksyon ng 14 na hindi malilimutang awitin ng The Eraserheads na binigyan ng bagong tunog ng ilan sa pinakasikat na mga banda at soloista sa bansa. Carrier single nito ang kantang 'Minsan' na inawit ng bandang Callalily.

Bahagi rin ng tracklist ng album ang 'Alapaap' na inawit ng 6CycleMind kasama si Eunice ng Gracenote, 'Minsan' ng Callalily, 'Overdrive' ni Vin Dancel, 'Fine Time' ni Marc Abaya ng Kjwan, 'Superproxy' ng Razorback kasama si Gloc-9, 'Kailan' ni Ney at Yeng Constantino, 'Kaliwete' ng Hilera, 'Maling Akala' ng Itchyworms, 'Ligaya' ng Mayonnaise, 'Pare Ko' ni Johnoy Danao, 'Ang Huling El Bimbo' ni Jay Durias, 'Magasin' ng Chicosci, 'With A Smile' ni Aiza Seguerra kasama si Mike  Villegas, at 'Hey Jay' ng Tanya Markova. Producers ng 'The Reunion' album sina Darwin at Rye Sarmiento ng BBS.

Samantala, inilunsad rin kamakailan ng Star Records ang "Soundtrip to Roadtrip Promo" kung saan magkakaroon ng pagkakataong manalo ng Chevrolet Spark ang sinumang bibili ng 'The Reunion' CD sa piling record bars ng SM, Astro, at Odyssey Music. Ang promo ay tatakbo mula Mayo 14 hanggang August 3. Para sa buong detalye ng promo, maaaring bumisita sa Facebook fanpage ng Star Records nawww.facebook.com/starrecordsphil.

Pakinggan ang bagong tunog ng imortal hits ng The Eraserheads sa "The Reunion: An Eraserheads Tribute Album" na mabibili sa mga record bar sa buong bansa. Maaari na ring ma-download ang digital tracks nito sa www.starrecords.ph,www.mymusicstore.com.ph, at sa iTunes sa www.amazon.com.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

BAGONG KAPAMILYA HEARTTHROB, IN-LOVE NA KAY KATHRYN?

May special 'date' ngayong Linggo (Mayo 27) ang bida ng "Princess and I" na si Kathryn Bernardo kasama ang Kapamilya singing heartthrob na si Khalil Ramos. Lilipad sina Kathryn at Khalil sa Mactan, Cebu para sa kauna-unahang "Princess and I" Royal Caravan na gaganapin sa Gaisano Capital Island Mall sa ganap na 4pm na handog ng show para sa lahat ng loyal TV viewers ng top-rating 'royal teleserye' ng ABS-CBN.

Ayon kay Khalil, nag-uumapaw ang saya at pasasalamat niya sa pagiging bahagi ng "Princess and I," na siyang kauna-unahang proyekto niya bilang aktor, matapos maging runner-up sa sikat na talent search na "Pilipinas Got Talent Season 3." Aniya, "Kinabahan ako kasi wala pa akong experience sa acting at puro pa magagaling na aktor ang kasama ko dito. Pero dahil alam kong blessing ang once-in-a-lifetime chance na mapasama sa ganito kalaking project, tinanggap ko ang challenge."

Nang tanungin tungkol sa palagay niyang 'secret' sa tagumpay ng kanilang programa, naniniwala si Khalil na ang pagiging unique ng kuwento nila ang dahilan. "Parang kauna-unahan kasi sa Pilipinas na may Koreanovela-inspired na teleserye na may kilig, may iyakan, at may mystery," sabi niya.

Bukod sa adventure at mabuting aral na pampamilya, mainit na tinututukan ng TV viewers ang "Princess and I" dahil sa nakakikilig nitong kuwentong pag-ibig na sumesentro sa karakter ni Kathryn na si Mikay kasama ang tatlong 'prinsipe' niyang sina Gino (Daniel), Jao (Enrique), at Kiko (Khalil). At sa labis na kapit sa istorya, kanya-kanyang manok na ang mga manonood--may Team Gino, Team Jao, at Team Kiko. Patunay dito ang mainit na pagsuporta ng fans ni Khalil nang kantahin niya sa "ASAP 2012" kamakailan ang theme song ni Kiko para kay Mikay na 'Kung Ako Ba Siya' na naging trending topic pa noong Linggong 'yun sa sikat na microblogging site na Twitter.

Gaya ng kanyang supporters, naniniwala si Khalil na ang karakter niya sa show ang bagay kay Mikay. Pahayag niya, "Palagay ko si Kiko ang dapat piliin ni Mikay kasi, no one knows Mikay like Kiko. Sa lahat ng pinagdaanan ni Mikay laging nandiyan si Kiko at iba kasi magmahal ang bestfriend. Ang boyfriends dumadating at umaalis, pero ang bestfriends, hindi kailanman nawawala."

Ayon kay Khalil, halos iisa ang role nila ni Kiko sa on- and off-screen na buhay ni Kathryn. "Bestfriends kami ni Kath kahit sa totoong buhay. Isa siya sa pinakamababait na taong nakilala ko," aniya.

Mabait, malambing, sweet, at may takot sa Diyos raw ang 'idea girl' ni Khalil; mga katangiang taglay rin naman ng kanyang malapit ng kaibigan. "Masasabi ko na pwede akong ma-in love sa isang babaeng tulad ni Kath. Pero sa ngayon, hindi ko pa kasi siya nakikilala talaga. So bestfriends muna kami, gusto ko pa siyang makilala nang lubusan," paliwanag niya.

Samantala, ngayong nasa iisang university na lang sina Kiko, Gino, at maging si Jao, paano maipararamdam ng bawat isa sa kanila ang pagmamahal nila para kay Mikay? Mabubuo kaya ang isang pagkakaibigan o sisilklab na ang pinakamaigting na kompetisyon sa puso ng nawawalang prinsesa ng Yangdon?

Huwag palampasin ang lalo pang gumagandang kuwento ng 'royal teleserye' ng ABS-CBN na "The Princess and I," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida. ara sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.como i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

Thai Movie 'ATM' - Full Trailer


The highest-grossing film in Thailand, "ATM," is now in the Philippines!

To be distributed by Star Cinema, "ATM" hits local theaters on June 6, 2012.



Wednesday, May 23, 2012

MAS MARAMING PILIPINO, NAKATUTOK SA IMPEACHMENT COVERAGE NG ABS-CBN

Mas maraming Pilipino sa bansa at saan mang panig ng mundo ang tumutok sa coverage ng ABS-CBN News and Current Affairs nang tumestigo si Chief Justice Renato Corona sa kanyang impeachment trial kahapon (Mayo 22). Base sa datos ng Kantar Media, pinakapinanood ang coverage ng ABS-CBN na pumalo ng national TV rating na 11.3% laban sa TV5 (3.3%) at GMA News TV (3.0%). Mas marami ring Pinoy netizens ang gumamit ng hashtag na #CJonTrial, na siyang opisyal na ginagamit ng ABS-CBN, dahil nag-trend ito sa micro-blogging site na Twitter habang nanood at nakinig ng updates sa paglilitis sa ABS-CBN Channel 2 at Studio 23 sa free TV, sa DZMM TeleRadyo at ANC sa cable TV, sa DZMM Radyo Patrol 630 sa radyo, at sa abs-cbnNEWS.com naman para sa livestreaming sa Internet. Nasa ABS-CBN din ang pinaka-pinagkakatiwalaang anchors sa bansa na nag-uulat ng mga pinakamainit at pinakasariwang pangyayari mula sa Senado, sina Korina Sanchez at Ted Failon para sa ABS-CBN, Julius Babao sa DZMM, at Tony Velasquez, Lynda Jumilla, Karen Davila, at Atty. Adel Tamano sa ANC. Tanging ABS-CBN ang nagbibigay ng mas malawak na access sa impormasyon para sa mas maraming Pilipino sa lahat ng media platforms.

Tuesday, May 22, 2012

WAKO WAKO TINUPAD ANG KAHILINGAN NG MGA KAPAMILYA

Nag-enjoy ang ating mga Kapamilya sa Glorietta 5 Atrium nang bisitahin ng grupo ng Wako Wako, "LUV U" at iba pang Kapamilya stars noong nakaraang Sabado. Hindi lamang magagarbong performance ang kanilang ibinigay ngunit tinupad na din ni Wako Wako ang mga kahilingan ng ating mga kapamilya sa "Dear Wako, ano ang wish mo?" Nagpasalamat din ang cast ng show na Wako Wako sa kanilang mga fans na sumuporta sa kanila.

"Syempre mami-miss ko yung samahan namin. Lahat kasi kami sa set nagtutulungan at magaan na ang loob namin sa isa't isa," sabi ni Vandolph Quizon na gumaganap bilang Tatay Rodel. At dahil huling linggo na ng palabas ay nilubos lubos na nila ang pagpapasaya at pagtulong.

Sinimulan ang pagpapaulan ng biyaya nang tawagin si Miriam Coronado, isang barangay secretary sa Laguna na humiling ng school supplies para sa 50 na bata. Ayon kay Coronado, mga magsasaka ang mga magulang ng mga bata at pagkain at iba pang pangangailangan ang prayoridad ng mga ito. Naisipan ni Coronado na tumulong dahil nalalapit na ang pasukan. Dahil sa taos puso ang kanyang kahilingan, hindi nagdalawang-isip si Wako na tuparin ito.

Mayroon din isang ina na nabiyayaan ng cellphone dahil sa kahilingan ng kanyang anak na kinakailangan pang tumawid ng dalawang ilog para makausap ang kanyang ina, isang anak na humiling ng washing machine para sa nahihirapang ina na labandera, dalawang estudyanteng nabigyan ng pagkakataon na ipagpatuloy ang pag-aaral dahil sa scholarship galing STI, isang kapatid na humiling na maipagamot ang kuya na may cerebral palsy at tatlong ginang na pinagkalooban ng eye check-up at mga salamin galing Executive Optical.

Halos mangiyak-ngiyak ang bidang si Dyosa Marishka (Ai Ai de las Alas) nang ihandog niya ang wish ng sampung-taong gulang na si Geraldine para sa kuya na may cerebral palsy. Na-touch si Ai Ai dahil sa sobra sobrang pagmamahal at pag-aaruga ng mga magulang kay Geraldine at sa kanyang kuya. Ani ni Ai Ai, "Napakabuti ng Panginoon. Sana patuloy pa akong makatulong at maging blessing sa iba."

Tagos sa puso ang kuwento ng mga dumalo sa Wako Wako event at talaga namang nakakaantig ng damdamin ang istorya ng kanilang buhay. Lalong lalo na ang ama na humiling kay Wako Wako ng kabuhayan para sa kanyang pamilya. Si Frederico Del Mundo ay isang tricycle driver na iisa lamang ang binti dahil sa trahedyang kanyang natamo na nagresulta sa pagputol dito. Subalit hindi ito naging hadlang para tustusan at buhayin ang kanyang pamilya. Wala siyang sariling tricycle at humihiram lang sa kanyang bayaw. Dahil hangad ni Wako Wako ang ikabubuti ng kanyang mga kaibigan, ay tinupad niya ang wish ni Frederico na magkaroon ng sariling tricycle mula sa Kawasaki.

Ang mga wishes ay tinupad na ni Wako kaya naman inako na ng mga Kapamilya stars ang pagbibigay ng entertainment sa daan-daang manonood na pumalibot sa Glorietta 5 Atrium. Dumalo ang mga love teams ng teen show na "LUV U" at hinandugan ng awit at kilig ang mga manonood. Nandoon si Ryan Bang na nagpatawa, umawit at sumayaw, ang Wako Wako love team na sina Liezel at Markki na umawit at ang ventriloquist na si Ruther Urquia kasama ang puppet niyang si Titoy. Nandoon din ang mga artista ng Wako Wako na sina Gladys Reyes, Vandolph Quizon, Ai Ai de las Alas at syempre nandoon din sina Wako Wako at Ukaw Ukaw.

Talaga naman na ang pagbisita ng Wako Wako at pagtupad niya ng mga kahilingan ang isa sa mga hindi makakalimutan ng mga manonood. Subaybayan ang nalalapit na pagtatapos ng kuwento ng paborito nating Arukan at bestfriend na si Wako Wako, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng PBB Teen Edition 4: Uber 2012.

Monday, May 21, 2012

Tagong 'Yaman' ng Pilipinas, Masisilayan sa 'MMK'

Patutunayan ng "Maalala Mo Kaya" ngayong Sabado (Mayo 26) na talagang 'it's more fun in the Philiippines' dahil hindi lang basta de-kalibreng drama ang handog nito sa mga manonood kundi maging ang mga nakamamanghang likas na yaman ng bansa, partikular na sa probinsya ng Masbate kung saan idinaraos taun-taon ang maaksyong kompetisyon na 'Rodeo MasbateƱo.'

Ang 'Rodeo' episode ng "MMK" ang kauna-unahang programa sa telebisyon na kinunan ang kabuuan sa nasabing lalawigan tampok ang mga makapigil-hiningang tanawin at nakaaaliw na makalumang tradisyon na bihira nang masilayan sa Kamaynilaan at sa iba pang mga siyudad sa Pilipinas.

Sesentro ang kuwento ngayong Sabado sa kauna-unahang 'rodeo queen' ng Masbate na si Gemma Layson na gagampanan ng Pinoy Big Brother Teen Edition 3 ex-housemate na si Yen Santos. Bagama't labis ang kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral, hindi pinalad si Gemma na tuparin ang pangarap dahil sa kawalang suporta ng kanyang ama. Ngunit dala nang determinasyong makuha ang respeto ng kanyang ama at magbigay karangalan sa pamilya, pinili ng dalagang sumabak sa peligrosong 'Rodeo MasbateƱo' na sinasalihan ng pinakamahuhusay na cowboys sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Hanggang saan nga ba kailangang patunayan ng isang anak ang halaga niya sa kanyang pamilya? Paano nga ba ang kumapit sa isang pangarap?

Kasama ni Yen sa "MMK" episode sina Akiko Solon, Snooky Serna, at Juan Rodrigo. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Benson Logronio, at sa direksyon ni Nuel Naval.

Huwag palampasin ang isa na namang markadong family drama ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang "Maalaala Mo Kaya" (MMK), pagkatapos ng "Wansapanataym." Para sa iba pang updates, mag log onsawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.faceboook.com/MMKOfficial.

DEBUT ALBUM NI DANIEL PADILLA, MABIBILI NA SA MAY 28

Mabibili na sa May 28 (Lunes) sa record bars nationwide ang debut album ng Kapamilya teen heartthrob na si Daniel Padilla, na may titulong "Hinahanap-Hanap Kita."

Mula sa telebisyon, sa kanyang kauna-unahang album naman magpapakilig ng kanyang fans si Daniel. Aniya, "Dream ko po talagang magkaroon ng album pero hindi ko inakala na magkakatotoo, kaya masarap po ang feeling at talagang ine-enjoy ko na 'yung chance para sa fans ko na rin."

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, tampok sa album ang anim na awiting tiyak na bibihag sa puso ng mga 'Danielistas' at maging ng fans nila Daniel at Kathryn Bernardo na leading lady niya sa kasalukuyan sa top-rating 'royal teleserye' ng ABS-CBN na "Princess and I."

Bukod sa carrier single niyang "Hinahanap-hanap Kita," bahagi rin ng album ang mga kantang "Pagsubok," "Paniwalaan Mo," "Prinsesa," "Grow Old With You," at "Ako'y Iyo Ika'y Akin Lamang" na idini-dedicate raw ni Daniel kay Kathryn.
 
Ang tracks ng "Hinahanap Hanap Kita" album ay maari na ring ma-download sawww.starrecords.com.phwww.mymusicstore.ph, at sa iTunes sawww.amazon.com.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

DAHILAN NG PAGKA-DELAY NG MGA FLIGHT, ISISIWALAT SA “PATROL NG PILIPINO”

Sisiyasatin ni Ron Gagalac ang lumalalang problema sa himpapawid sa Pilipinas na siyang dahilan ng pagkaantala at kanselasyon ng napakaraming flights sa iba't ibang airports sa bansa at reklamo ng mga biyahero ngayong Martes (Mayo 22) sa "Patrol ng Pilipino."

Ayon sa datos ng Department of Transportation and Communication, lumobo ang bilang ng mga biyaherong gumagamit ng eroplano simula nang nagmura ang pamasahe sa paglipad. Kasabay nito ay ang kakulangan ng paliparan para tugunan ang dami ng bilang ng flights sa bansa. 

Bibiyahe si Ron patungong Davao kung saan may pinakamaraming flight sa Pilipinas. Siya mismo ay dumanas ng higit dalawang oras na pagkaantala sa flight papunta at 45 minuto naman pauwi. Ang mga pangyayaring tulad nito ang nagbansag sa Ninoy Aquino International Airport bilang 'worst airport' sa buong mundo.

Kaya pa bang baguhin ng NAIA ang ganitong imahe? Ano ang mga plano ng gobyerno at airline companies para malunasan ang lumalalang problema sa himpapawid?

Samantala, sisisirin naman ni Atom Araullo ang Tubbataha Reef, isang World Heritage Site ng UNESCO at binansagang ikawalo sa pinakamagandang dive sites sa buong mundo ayon sa CNN.

Pakatutukan ang "Patrol ng Pilipino" ngayong Martes (Mayo 22) pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

SAM AT YENG NAKISAYA SA BAHAY NI KUYA

Dumiretso sa Bahay ni Kuya ang nagbabalik-Pilipinas na Kapamilya star na si Sam Milby kasama si Yeng Constantino para turuan ang teen housemates ng "Pinoy Big Brother Teen Edition 4" sa pagpe-perform nang live. 
  
Puspusan ang paghahanda ng housemates para sa "Build a Big Dream Concert" na gaganapin na ngayong Huwebes (Mayo 24) matapos maresolba ang kanilang matinding away sa pagkain. Binisita rin sila ng performers na sina Emmanuelle, Krissy and Ericka, at The Lamars at pinakitaan ng performances.

Samantala, sasailalim naman sa isang espesyal na task sina Alec, Roy, at Ryan matapos silang mag-usap tungkol sa nomination, na labag sa patakaran ni Kuya. Ang matatalo sa task ang papatawan ng automatic nomination at mapapabilang sa listahan ng mga nominado kasama sina Kit at Yves. 
  
Napalayas naman ng bahay si Clodet, ang "Prangkang Chikateen ng Davao," noong Sabado (Mayo 19) matapos makakuha ng pinakamababang porsiyento ng mga boto (10.80%) laban kina Mariz (12.72%), Kit (20.89%), at Karen (55.59%). 
  
Para sa tickets at katanungan sa "Build a Big Dream Concert," tumawag sa 415-2272 local 6306 at hanapin si Riza Garcia. Mabibili ang tickets sa halagang P10,000 na may kasama nang hapunan, limang PBB shirts, isang DVD copy ng concert, autograph picture ng housemates, at ang pagkakataong makausap si Kuya sa confession room. Ang maiipong halaga ay mapupunta sa pagpapatayo ng mga silid-aralan sa Mababoy Elementary School sa Masbate. 

Pakatutukan kung ano pa ang kayang gawin ng kabataang Pinoy sa "PBB Teen Edition 4" kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng "Dahil sa Pag-ibig" sa Primetime Bida, sa "PBB Teen Edition 4 Uber 2012" kasama sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at John Prats pagkatapos ng "Kung Ako'y Iiwan Mo" sa Kapamilya Gold at sa "SabadUber" pagkatapos ng "Showbiz Inside Report" tuwing Sabado sa ABS-CBN. Huwag namang magpahuli sa mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang Sekretarya ni Kuya sa @OfficialPBB4 sa Twitter at i-like angwww.facebook.com/OfficialBigBrother

ANGELINE, VICE, AT ERIK, NANGUNA SA LISTAHAN NG NOMINADO PARA SA TAMBAYAN OPM AWARDS 2012

Pinangalanan na ng ABS-CBN FM station sa Mega Manila na Tambayan 101.9 ang mga nominado para sa kanilang taunang Tambayan OPM Music Awards, na pinangunahan nina Angeline Quinto, Kamikazee, Vice Ganda, at Erik Santos bilang may pinakamaraming nominasyon. Kasabay nito, pormal na ring binuksan ang botohan na siyang basehan kung sino ang magwawagi.

 

Mas pinalaki na nga ang TOPMA ngayong taon dahil sa pakikipag-partner ng Tambayan 101.9 sa lahat ng 16 M.O.R. station nga ABS-CBN Regional Network Group sa bansa para himukin ang mas maraming tagapakinig ng radyo na iboto ang kanilang paboritong kanta o music artists.

 

Nakakuha ng limang nominasyon ang "Star Power" grand winner na si Angeline Quinto para sa mga kategoryang Song of the Year, Album of the Year, Female Artist of the Year, OPM Revival, at Best New Artist categories. Sinundan naman siya ni Erik  Santos at Vice Ganda na mag tig-tatlong nominasyon.

 

Isang bagong kategorya naman ang ipinakikilala ng TOPMA ngayong taon at ito ay ang Phenomenal Entertainer of the Year kung saan unang maglalaban laban sina Yeng Constantino, Vice Ganda, Toni Gonzaga, at Anne Curtis. Nominado din ang awitin ng tinaguriang concert sweetheart na "Tinamaan Ako" para sa Song of the Year mula sa kanyang platinum album na "Annebisyosa."

 

Samantala, muling bibigyan ng parangalan ng Tambayani 2011 ang isang artist o songwriter na malaki ang naiambag sa OPM industry. Unang ginawaran ng Tambayani award ang yumaong master rapper na si Francis M. noong 2010 na sinundan ni Charice noong 2011.

 

Para bumoto, i-type lang ang TAMBAYAN<space>1-37 at ipadala sa 2331 para sa Globe at Sun subscribers at 231 para naman sa Smart subscribers. Extended ang botohan hanggang June 24. Para sa karagdagang impormasyon kung paano bumoto ay bumisita lang sa www.tambayan1019.com

 

Ang mananalo sa TOPMA ay papangalanan sa darating na June 30, 2012.

 

Kasalukuyang nasa ikatlong taon ng pagkilala sa husay ng Pinoy sa musika ang TOPMA. Kamakailan lang ay pinarangalan ito ng Anvil award ng prestihiyosong Public Relations Society of the Philippines (PRSP) para sa matagumpay nitong pagkilala sa OPM artists at sa paggawa paraan para makahalubilo ng mga DJ ng istasyon ang masusugid nitong tagapakinig sa mismong gabi ng parangal.

 

Heto ang kumpletong listahan ng nominado at kung ano ang itetext para sila ay iboto:

 

SONG OF THE YEAR:            
Patuloy Ang Pangarap by Angeline Quinto (TAMBAYAN 1);

Gisingin Ang Puso by Liezel Garcia (TAMBAYAN 2);

Tinamaan Ako by Anne Curtis (TAMBAYAN 3)

Kulang Ako Kung Wala Ka by Erik Santos (TAMBAYAN 4);

Porque by Maldita (TAMBAYAN 5);

Halik by Kamikazee (TAMBAYAN 6)

 

 

ALBUM OF THE YEAR:

Patuloy Ang Pangarap from Angeline Quinto (TAMBAYAN 8);

I'm Already King from Christian Bautista (TAMBAYAN 9);

Dalawang Mukha Ng Pag-ibig from Ebe Dancel (TAMBAYAN 10);

Awit Para Sa'yo from Erik Santos (TAMBAYAN 11)

 

 

FEMALE ARTIST OF THE YEAR:

Angeline Quinto (TAMBAYAN 12);

Sarah Geronimo (TAMBAYAN 13);

Liezel Garcia (TAMBAYAN 14);

Toni Gonzaga (TAMBAYAN 15);

Juris (TAMBAYAN 16)

 

 

MALE ARTIST OF THE YEAR:

Sam Milby (TAMBAYAN 17);

Erik Santos (TAMBAYAN 18);

Christian Bautista (TAMBAYAN 19);

Ebe Dancel (TAMBAYAN 20);

Vice Ganda (TAMBAYAN 21)

 

 

BAND OF THE YEAR:         

Maldita (TAMBAYAN 22);

Sponge Cola (TAMBAYAN 23);

Mayonnaise (TAMBAYAN 24);

Kamikazee (TAMBAYAN 25);

Parokya ni Edgar (TAMBAYAN 26);

BBS feat. Kean (TAMBAYAN 27)

 

 

OPM REVIVAL:                 

Dahil Mahal Kita by Jovit Baldivino (TAMBAYAN 28);

Gaano Ko Ikaw Kamahal by Itchyworms (TAMBAYAN 29);

Nang Dahil Sa Pag-ibig by Bugoy Drilon (TAMBAYAN 30);

Bakit Ngayon Ka Lang by Marcelito Pomoy (TAMBAYAN 31);

Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin by Angeline Quinto (TAMBAYAN 32)

 

 

BEST NEW ARTIST:

Paula Bianca (TAMBAYAN 33);

Bryan Termulo (TAMBAYAN 34);

Angeline Quinto (TAMBAYAN 35);

Zia Quizon (TAMBAYAN 36);

JM De Guzman (TAMBAYAN 37)

 

Sunday, May 20, 2012

Ney - 'Shut Up' Music Video and Lyrics


Ney performing "Shut Up" from his album, NEY DMAC.


"Shut Up" Lyrics:

You look familiar, i guess it's you
Hey do you come here often?
Can i get you something or anything?
I know you're here but your mind's somewhere
Nobody's feeling that you are here
Come on now baby the night is just starting
You don't have to feel down now
Move your body come on now

[Chorus:]

So shut-up, come on let's go
Take a ride with me on the dance floor
Tonight will be your fairy tales and fantasies
So get me some glass of wine
Pour it into me baby it's fine
Hey i think i saw you
From around the corner, those teary eyes were blue
Hey can i sit beside you?
I just want to help you
Tonight you’ll make it through
I know you need a little space
To think some things and some mistakes
But baby it's not the right time
Just go with the flow now
Just go with the flow now

[Chorus]

Hey can i tell you something
Give me some attention, ignore pretentions
Hey i know it's crazy but life ain't easy
So won't you come with me
I know you need a little space
To think some things and some mistakes
But baby it's not the right time
Just go with the flow now
Just go with the flow now

[Chorus]

Xian Lim - 'So It's You' Album Teaser


Teaser of Xian Lim's newest album under Star Records, So It's You.

Erik Santos - 'Bakit Mahal Pa Rin Kita' Music Video and Lyrics


Erik Santos has released the music video for his new song "Bakit Mahal Pa Rin Kita"


"Bakit Mahal Pa Rin Kita" lyrics:

Nakita kita may kasama ng iba
Halos hindi mo napansin, na ako'y may kasama rin
Abot langit ang iyong ngiti, at parang kay saya
Bakit lungkot aking nadarama, gayong ako'y mayro'n na ring iba

Bakit mahal pa rin kita
Bakit palagi mong nasasaktan ang puso ko
Bakit mahal pa rin kita
Kahit pareho tayong mayro'n ng iba



Di ko maamin na nasasaktan pa rin ako
Ayokong malaman mong, nagkukunwari lamang sa'yo
Hindi ko mapigilan ang aking damdamin
Bakit mahal pa rin kita...

Hawak niya ang iyong kamay, nais ko sanang agawin
Ngunit di na maaari, pagka't s'ya ng nagmamay-ari
Alam kong may mali sa aking nadarama
Mas mahal pa rin kita, kahit ngayo'y ibang kasama

Bakit mahal pa rin kita
Bakit palagi mong nasasaktan ang puso ko
Bakit mahal pa rin kita
Kahit pareho tayong mayro'n ng iba

Di ko maamin nasasaktan pa rin ako
Ayokong malaman mong, nagkukunwari lamang sa'yo
Hindi ko mapigilan ang aking damdamin
Bakit mahal pa rin kita...

Bakit mahal pa rin kita
Bakit palagi mong nasasaktan ang puso ko
Bakit mahal pa rin kita
Kahit pareho tayong mayro'n ng iba

Hindi ko maamin na nasasaktan pa rin ako
Ayokong malaman mong, nagkukunwari lamang sa'yo
Hindi ko mapigilan ang damdamin
Bakit mahal pa rin kita...
Mahal pa rin kita...

Saturday, May 19, 2012

ECHO, NA-IN LOVE NA KAY CRISTINE?

Unti-unti nang nagkakalapit ang mga karakter nina Jericho Rosales at Cristine Reyes sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na "Dahil sa Pag-ibig." Matapos magtagumpay na makuha ang tiwala ng pamilya ng lalaking pumaslang ng kanyang mga magulang, desidido na si Oliver (Jericho) na gantihan si Leo Valderama (Christopher de Leon) sa pamamagitan ng pagwasak sa pamilya nito. Ngunit sa gitna ng kanyang planong paghihiganti ay ang pagkabuo ng espesyal na pagkakaibigan nila ng anak ni Leo na si Jasmin (Cristine). Sadya na kayang nahulog ang loob ni Oliver kay Jasmin o bahagi rin ito ng kanyang mga planong wasakin ang buhay ni Leo? Ititigil ba ni Oliver ang paghihiganti sa sandaling matuklasan niyang ang anak-anakan ng mortal niyang kaaway na si Fr. Alfred (Piolo Pascual) ay ang tunay niyang kapatid? Huwag palampasin ang "Dahil sa Pag-ibig," gabi-gabi, pagkatapos ng "Walang Hanggan" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @dahilsapagibig_ sa Twitter, o i-'like' ang http://facebook.com/dahilsapagibig.tv.

SAM, KASAMA SI SARAH SA KANYANG BIRTHDAY

Engrandeng welcome party at birthday celebration ang inihanda ni Sarah Geronimo para sa nagbabalik-Pilipinas na si Sam Milby, na guest co-host ng Popstar ngayong Linggo (Mayo 20) sa kanyang solo musical variety show na "Sarah G. Live!" Magdadagdag kasiyahan din naman sa selebrasyon ang bonggang bollywood smash up dance number na handog ng dance royalty at dating onscreen partner ni Sam na si Maja Salvador. Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng Santacruzan sa Mayo, tunghayan sa 'Sige Go' segment ang kauna-unahang experience ni Sarah bilang isang Reyna Elena sa kanyang Pampanga hometown. Kasama muli ni Sarah ngayong Linggo ang resident dance royalty na si Gab Valenciano, co-host na si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, G-Force, at director Erick Salud. Huwag palampasin ang trending at top-rating Sunday primetime show ng ABS-CBN, "SarahG. Live," 9:00pm, pagkatapos ng "Rated K." Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @SGLiveOFFICIAL sa Twitter at SarahGLiveOFFICIAL sa Facebook.

SHAINA, PINAGTAKSILAN!

Sunod-sunod na dagok sa buhay ang hinaharap ng karakter ni Shaina Magdayao sa de-kalibreng 'OFW-serye' ng ABS-CBN na "Kung Ako'y Iiwan Mo." Matapos makaranas ng pangmamaltrato mula sa biyenan nitong si Elvie (Gloria Diaz) ay buong tatag na hinarap nang mag-isa ni Sarah (Shaina) ang nakagugulat na pagkamatay ng anak nila ni Paul (Jake Cuenca). At sa gitna ng pagluluksa ng mag-asawa, susubukin ng layo nila sa isa't isa ang kanilang pagmamahalan lalo na at nabuhayan na ng loob si Mia (Bangs Garcia) na bawiin kay Sarah ang ex-boyfriend niya. Ano ang gagawin ni Sarah sakaling matuklasan niyang ang tanging lalaking minahal niya ay pinagtataksilan siya? Huwag palampasin ang tunay na kuwento ng bawat OFW saan man sa mundo, "Kung Ako'y Iiwan Mo," 3:30pm, pagkatapos ng "Mundo Man ay Magunaw" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan and @abscbndotcom sa Twitter.

“ASAP 2012” MAGPAPASIKLAB NG ALL-STAR PARTY NGAYONG LINGGO

Magkikislapan ang mga pinakamalalaking bituin sa mundo ng showbiz ngayong Linggo (Mayo 20) sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na "ASAP 2012."

Aapaw ng kilig at saya sa ASAP centerstage sa pinakapinananabikang pagbabalik-Pilipinas ng Rockoustic Heartthrob na si Sam Milby; sa makapigil-hiningang dance number na inihanda ng ilan sa pinakatinitiliang leading men sa bansa na sina Enchong Dee at Gerald Anderson; at sa espesyal na sorpresang inihanda para sa kani-kanilang fans ng iba pang Kapamilya heartthrobs na sina Xian Lim, JM de Guzman, at Jake Cuenca; at ng summer hotties na sina Cristine Reyes, Megan Young, at Bangs Garcia.

Dadagdag naman sa 'kilig treat' ang duet performances ng Primetime Bida love teams na sina Ella Cruz at Paul Salas ng "Aryana," Kathryn Bernardo at Khalil Ramos ng "Princess and I," at sina Jericho Rosales kasama si Maricar Reyes at Piolo Pascual kasama si Cristine ng teleseryeng "Dahil sa Pag-Ibig."

World-class talent naman ang ipamamalas ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa panibagong kuwento ng inspirasyon para sa TV viewers sa 'With Love, Gary V;' habang bagong music trend naman ang ipauuso ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa bagong "ASAP 2012" segment na 'T-Zone.'

Bibida naman sa isang makatindig-balahibong concert spectacle ang "ASAP 2012" mainstays na sina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Vina Morales, KC Concepcion, Nikki Gil, Yeng Constantino, Bryan Termulo, Anja Aguilar, at ASAP Sessionistas. Kapwa nakamamanghang production numbers din ang hatid ngayong Linggo ng ASAP Pinoy Champ na si Angeline Quinto sa kanyang 'Angeline on Q' segment; at nina Erik Santos, Arnel Pineda, Jed Madela, Bugoy Drilon, Kean Cipriano, at Paolo Valenciano sa 'A-Tunes.'

Samantala, tunay na kaabang-abang ang panibangong dance showdown ng supahdancers na sina Enchong, Empress, Maja Salvador, Iya Villania, Sam Concepcion, Rayver Cruz, at Robi Domingo sa ASAP dancefloor para sa 'ASAP Supahdance.'

Makisaya sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na "ASAP 2012" ngayong Linggo, 1:00 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-'like' ang http://facebook.com/asapofficial.

Thursday, May 17, 2012

SIKRETO SA TAGUMPAY NINA ANGELINE AT DANIEL, ILALANTAD SA “SIR”

Tuklasin ang tunay na sikreto sa tagumpay ng dalawa sa pinakasikat na mga bituin ngayon sa showbiz na sina Pop Superstar Angeline Quinto at Kapamilya heartthrob Daniel Padilla sa isang espesyal na episode ngayong Sabado (Mayo 19) ng trending Saturday entertainment talk show ng ABS-CBN na "Showbiz Inside Report." Kilalanin ang mga ina sa likod ng kasikatan nina Angeline at Daniel sa malaliman at mapusong pagtalakay tungkol sa mga pinagdaanan nila bago hangaan ng sambayanan. Kumusta ang kabataan ni Angeline sa piling ng inang umampon sa kanya? Marangyang buhay ba ang kinagisnan ni Daniel kasama ang mga magulang niyang kapwa artists na sina Karla Estrada at Rommel Padilla? Samantala, kilalanin ang iba pang sikat na pangalan na utang sa kanilang ina ang natatamasang tagumpay. Samahan sina Carmina Villaroel, Janice de Belen, Joey Marquez, at Ogie Diaz sa masusi nilang pagkilala sa mga pangalang sangkot at alamin ang tunay na laman ng puso ng kanilang mga pamilya at ng ilang taong malapit sa kanila. Huwag palampasin ang trending Saturday entertainment talkshow ng ABS-CBN, "Showbiz Inside Report," tuwing 2:30 ng hapon, pagkatapos ng "It's Showtime." Para sa karagdagang updates, mag-log on sawww.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na http://www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

HELEN, NAPILITANG SAMPALIN SI SUSAN

Taliwas sa mga karakter nila sa top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na "Walang Hanggan," malayo sa pagiging mortal na magka-away sina Helen Gamboa at Susan Roces dahil matapos ang ilang dekada, nananatilling matalik na magkaibigan sa likod ng kamera ang dalawang reyna ng Philippine Cinema.

Kuwento ni Helen, maging siya ay hindi nagagandahan sa ugali ng kanyang karakter na si Donya Margaret. Aniya, "Ang taray-taray ko dito sa 'Walang Hanggan.' Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na maging kaugali ni Margaret. Kabaligtaran ng personality niya 'yung tunay kong personality. Pero sa kabila nun, gustong-gusto ko naman na ginagampanan ang karakter niya kasi challenging."

Ayon naman kay Susan, nalaman niya na minsang nakikiusap si Helen sa staff na iwasan ang pagkakaroon nila ng mga eksenang may sampalan dahil natatakot ito na masaktan ang kaibigan. "Parang bunso kong kapatid si Helen. Lagi kaming nagbabaon ng lunch para i-share sa iba naming mga kasama," sabi ni Susan.

Samantala, sa kabila ng mabuting samahan ng cast at staff ng "Walang Hanggan," patuloy naman ang tumitinding tensyon sa pagitan ng mga karakter ngayong napag-alaman na ni Donya Margaret na tunay niyang apo si Daniel (Coco Martin). Aaminin na ba niya sa kanyang kapatid na si Manang Henya (Susan) na siya ang nagkamali tungkol kay Daniel? Ano ang mangyayari sa mga Montenegro kapag nabunyag na ang sikreto? Hudyat na ba ito ng pagbubukas ng puso ni Donya Margaret para sa ipinamigay na apo?

Patuloy na subaybayan ang teleseryeng tinututukan ng buong sambayanan, "Walang Hanggan" gabi-gabi, pagkatapos ng "Princess and I" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sawww.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.

ANGEL LOCSIN, PATULOY NA NANGUNGUNA SA FHM SEXIEST WOMEN

Nangunguna pa rin si Angel Locsin sa listahan ng Sexiest Women in the world ng FHM Philippines. Kasunod naman niya mula number 2 hanggang 10, sina Sam Pinto, Jennylyn Mercado, Christine Reyes, Marian Rivera, Ellen Adarna, Solenn Heusaff, Bela Padilla, Bangs Garcia at Toni Gonzaga.

Patuloy na nangunguna si Angel Locsin sa mga nakaraang partial results. Dagdag pa rito, bawat taon ay pinatutunayan ni Angel na siya'y isang malakas na katimpalak. Hindi rin mapagkakailang hinahangaan siya dahil makailang beses na rin niyang nasungkit ang pagiging numero uno.

Sa kabilang dako naman, ang on-screen partner ni Angel na si Vhong Navarro ay nagbalik na pagkatapos ng matagal na pamamahinga mula sa telebisyon. Sumailalim ang actor/host sa isang operasyon (appendectomy) noong nakaraang buwan at pinayuhan siya ng kanyang doktor na magpahinga muna ng ilang linggo.

Samantala sa "TODA Max" ngayong Linggo, makakasagupa nina Justin Bibbo (Vhong Navarro) at Isabel (Angel Locsin) ang hirap sa pagpaplano ng isang kasal. Malilito ang magkasintahan dahil sa iba't-ibang ideya at suhestiyon ng mga kapamilya lalo na si Tatay Mac.

Upang maayos ito nang walang pinapanigan, kakailanganin nila ang tulong ng isang wedding planner na gagampanan ni Jodi Sta. Maria. Ngunit hindi alam ni Isabel na ang nakuha niyang wedding planner ay ang unang girlfriend ni Justin. Paano kaya sila makaaalis sa mabigat na sitwasyong ito?

Magiging "happily ever-after" kaya ang dalawa? 'Wag kalimutan ang napakasaya at napakakulit na episode na ito ng "TODA Max" ngayon Sabado (May 19, 2012) pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya dito sa ABS-CBN.

RAYVER, BIDA SA "MMK" NGAYONG SABADO

Bibida si Rayver Cruz sa "Maalala Mo Kaya" ngayong Sabado (Mayo 19) tampok ang nakaaantig na kuwento ng magkapatid na Xerces (Rayver) at Ponso (Joseph Marco). Sa kanilang pamilya, palaging si Xerces ang angat at napupuri dahil sa kahusayan nito sa eskwela at sa pagiging masunurin sa kanilang magulang. At sa mga pagkakataong ipinagdiriwang ang kagalingan ni Xerces, napapansin naman ng lahat ang mga kahinaan ni Ponso. Ngunit sa isang hindi inaasahang tagpo, ang magaling na si Xerces ay tuturuan ni Ponso ng isang leksyong hindi niya malilimutan. Paano nga ba nasusukat ang pagmamahal sa pamilya ng isang anak? Kasama nina Rayver at Joseph sa "MMK" episode sina Elizabeth Oropesa, Bembol Rocco, Eliza Pineda, Jacob Dionisio, Philip Nolasco, Kristel Moreno, at Isay Alvarez. Ito ay sa ilalim ng pagsasaliksik ni Akeem Jordan del Rosario, panulat ni Rose Colindres, at sa direksyon ni Jojo Saguin. Huwag palampasin ang isa na namang markadong family drama ngayong Sabado ng gabi sa longest-running drama anthology ng Asya, ang "Maalaala Mo Kaya" (MMK), pagkatapos ng "Wansapanataym." Para sa iba pang updates, mag log on sawww.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.faceboook.com/MMKOfficial.

Tuesday, May 15, 2012

'Aryana,' Good Influence sa Kabataan

Pasok na agad sa top 10 overall TV programs sa Pilipinas ang kasisimula pa lamang na magical 'tail' ni "Aryana" na pinagbibidahan ng pinakabagong Kapamilya primetime princess na si Ella Cruz.

Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media, no. 10 ang "Aryana" sa listahan ng top 10 overall TV programs sa bansa. Humataw ito ng 16.9% national TV rating kumpara sa katapat nitong programa sa GMA na "Alice Bungisngis" nakakuha lamang ng 12.1% national TV rating.

Ayon kay Ella, mas matutuwa ang viewers, lalo na ang kapwa teens niya, sa next episodes ng fantaserye nila. Aniya, "Mag-aaral na po kasi si Aryana kaya makaka-relate sila nang husto lalo na't malapit na ring magpasukan kung kelan magbabaalik na ang classroom routines, curricular activties, campus crushes, friends, at pati na rin enemies."

Ngunit kung mayroon mang pinakapinagmamalaki si Ella sa kanilang programa, ito ay ang pagiging mabuting ehemplo ni Aryana sa mga kapwa niya kabataan. "Si Aryana po kasi ay isang teenager na mahal na mahal ang pamilya niya. Marami po siyang pangarap at gustung-gusto po niyang tumulong lalo na sa mommy niya," pagbabahagi ni Ella. "Ganun din po ako sa tunay na buhay, maraming gustong itulong para sa family ko. At sana po maka-inspire rin ang kuwento ni Aryana sa iba pang teenager."

Samantala, patuloy na tutukan ang magical 'tail' ni "Aryana" at tuklasin ang una nilang pagtatapat ng stepsister niyang si Megan (Michelle Vito). Ito na ba ang hudyat ng pagkikita nila sa wakas ng ama niyang si Victor (Tonton Gutierrez)? Mapipigil pa ba ni Ofelia (Pokwang) ang sumpa ng pagiging sirena ni Aryana?

Huwag palampasin ang "Aryana," gabi-gabi, sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag-"TV Patrol. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan and abscbndotcom sa Twitter.

XYRIEL, PASAWAY SA MAGULANG?

Paggalang sa magulang ang aral na ibabahagi ng Kapamilya child wonder na si Xyriel Manabat ngayong Sabado (Mayo 19) sa pagpapatuloy ng kanyang "Wansapanataym" special.

Sa 'Lara Laro' episode, gagampanan ni Xyriel ang karakter ni Lara, isang batang sinusuway ang mga bilin ng kanyang mga magulang dahil sa labis na hilig sa paglalaro. Nang minsang napagsabihan ng kanyang ina, makikilala ni Lara ang mga duwedeng katulad niyang mahilig maglaro. Ano kayang mangyayari kung makatagpo si Lara ng mga kalarong walang kapaguran? Matutunan na kaya niyang pahalagahan ang paalaala ng kanyang mga magulang?

Makakasama ni Xyriel sa episode sina Christian Vasquez, Jason Gainza, Daisy Reyes, at Hyubs Azarcon. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Joel Mercado at direksyon ni Tots Sanchez-Mariscal.

Ang "Wansapanataym" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.

Huwag palampasin ang "Wansapanataym" special ni Xyriel tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

NEW YORK-BASED PINOY FASHION DESIGNER, TAMPOK SA “BOTTOMLINE”

Kuwento ng pangarap at inspirasyon ang ibabahagi ngayong Sabado (Mayo 19) sa "The Bottomline with Boy Abunda" kasama ang New York-based Pinoy fashion designer na anak ng beteranang aktres na si Tessie Tomas na si Robin Tomas. Matapos lumihis sa yapak ng ina, alamin ang iba't ibang pinagdaanan ni Robin para maabot ang kanyang pangarap na maging isang fashion designer. Bakit hindi niya pinasok ang mundo ng showbiz? Gaano kahirap ang kompetisyon para sa mga designers sa New York? Sa mga desisyong ginawa niya upang matupad ang kanyang pangarap, mayroon ba siyang pinagsisisihan? Huwag palampasin ang kwento ni Robin ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, sa 'Ani ng Dangal 2012' awardee na "The Bottomline with Boy Abunda" ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng "Banana Split" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Monday, May 14, 2012

VICE AT ANGELINE, HURADO AT MENTOR SA “PBB TEEN EDITION 4”

Sasanayin nina Vice Ganda at Angeline Quinto ang housemates ng "Pinoy Big Brother Teen Edition 4" para sa kanilang weekly task at fund-raising event na pinamagatang "Build a Big Dream Concert" na gaganapin ngayong Biyernes (Mayo 18) sa PBB eviction hall. 

Parehong bibigyan ng payo at lakas ng loob ng "It's Showtime" host at Queen of Teleserye Theme Songs ang housemates base sa kanilang mga karanasan sa pagtatanghal nang live. Pipiliin ni Vice ang housemates na nag-aalangan ngunit may tinatagong kakaibang talento, habang tututukan naman ni Angeline ang mga kakanta. 

Kakalap ng pondo ang housemates mula sa mga tagasuportang manonood upang ipagkaloob sa isang bagong paaralan sa Masbate na magbubukas pa lang sa Hunyo at kulang sa mga silid-aralan. 

Samantala, nominadong ma-evict sa Sabado (Mayo 19) sina Clodet, Karen, Kit, at Mariz. Sino kaya sa kanila ang susunod kay Claire sa outside world na siyang ang pinakahuling evictee ng edisyon?

Pakatutukan kung ano pa ang kayang gawin ng kabataang Pinoy sa "PBB Teen Edition 4" kasama si Toni Gonzaga pagkatapos ng "Dahil sa Pag-ibig" sa Primetime Bida, sa "PBB Teen Edition 4 Uber 2012" kasama sina Bianca Gonzalez, Robi Domingo, at John Prats pagkatapos ng "Kung Ako'y Iiwan Mo" sa Kapamilya Gold at "Showbiz Indie Report" tuwing Sabado, at sa "PBB Teen Edition 4 Updates" kasama si Robi tuwing "Kung Ako'y Iiwan Mo" at "Princess and I" sa ABS-CBN. Huwag namang magpahuli sa mga pinakabagong kaganapan sa Bahay ni Kuya at sundan ang Sekretarya ni Kuya sa @OfficialPBB4 sa Twitter at i-like angwww.facebook.com/OfficialBigBrother

ABS-CBN, INILUNSAD ANG PINAKAMODERNONG PAG-UULAT NG PANAHON SA BANSA

Maihahatid na ng ABS-CBN News and Current Affairs, ang pinakamalaki at nangungunang news organization sa bansa, ang pinakawastong ulat-panahon sa paggamit nito ng pinakamakabagong pag-uulat ng panahaon mula sa Weather Central, ang pinakapinagkakatiwalaang provider ng ulat-panahon sa buong mundo.

Sa pamamagitan ng pagtutok sa Channel 2 at ANC, makukuha na ng mga Pinoy ang pinaka-eksakto at pinakahuling impormasyon ukol sa panahon saanman sa Pilipinas.

"Nakita na natin ang pinsalang dulot ng panahon sa buhay at ari-arian ng mga Pilipino ngunit hindi pa kailanman nagkakaroon ng access ang ating mga kababayan sa matino at mapagkakatiwalaang ulat-panahon," ani Ging Reyes, ang head ng ABS-CBN News and Current Affairs.

Ipinaliwanang ni Reyes na ihahatid ng Weather Central sa ABS-CBN ang pinakatiyak na datos-panahon dahil sa moderno nitong kagamitan at klarong impormasyon para paglingkuran ang mga manonood at subscribers sa lahat ng media platforms nito.

Sa kasalukuyan, ginagamit na ng mga ulat panahon sa "Umagang Kay Ganda," "TV Patrol" at newscasts ng ANC mula sa "Headstart" (8 a.m.) hanggang sa "The World Tonight" (10 p.m.) ang bagong weather system na may kahali-halinang itsura, makabagong graphics, virtual sets, mapa, at makatotohanang imahe.

Tiyak na makakatulong ito sa mga magulang at mag-aaral sa paparating na pasukan at sa mga pamilyang nagbabalak na magbakasyon dahil natatantiya nito ang panahon sa loob ng limang araw, ang tumpak na temperatura, at nakakatala rin ng mga lindol. Bukod pa riyan, kaya ring tukuyin ng sistema ang panahon sa Quezon City kumpara sa Maynila, sa Mandaue kumpara sa Cebu, at sa Kalibo kumpara sa Boracay.

Maaari ring itakda ang ulat panahon ayon sa kinalalagyan saan man sa bansa mula sa ABS-CBNNews.com, or sa cellphones sa pamamagitan ng ABS-CBN weather application na malapit nang ma-access sa iPhone, iPod Touch, iPad, at Android devices.

Dahil sa paglulunsad ng ABS-CBN Weather Central, muli na namang nanguna ang ABS-CBN News and Current Affairs sa pagbibigay serbisyo at impormasyon sa publiko na kanilang sandata pagdating ng kahit anong sakuna. Patuloy na manood ng mga newscast sa ABS-CBN at ANC (SkyCable Ch 27).

ABS-CBN’s recurring net income up by 1% for the first quarter

Quezon City, Philippines (May 14, 2012) – The consolidated net income of ABS-CBN Corporation ("ABS-CBN" or the "Company") (PSE: ABS, ABSP), the country's largest multimedia conglomerate, registered P306 million for the first quarter of 2012, down by 69% compared with P976 million in the same period last year. Removing the effects of the gain from the sale of Sky Cable PDRs recognized in the first quarter of 2011 amounting to P674 million, net income would have increased by 1%.

ABS-CBN generated consolidated revenues of P7.1 billion from advertising and consumer sales for the first three months, an 8% increase compared to the same period last year.

ABS-CBN's advertising revenues reached P4.2 billion in the first three months of the year, an increase of 4% from a year ago. Consumer sales for the quarter amounted to almost P3.0 billion, posting a 15% increase from a year ago. Sky Cable continues to contribute positively with revenues increasing by 12% to P1.2 billion. This is mostly driven by the increased take up
of its broadband service subscriptions which increased by 20% year-on-year. ABS-CBN Global revenues likewise increased by 3% year on year on the back of a 3% increase in overall viewer count compared to the previous year. There was double-digit subscriber growth in Canada and single digit growth in all other territories, except Japan and Europe where subscribers
declined.

Total operating and other expenses increased by 10% year-on-year to P6.1 billion brought about by increases in production costs, cost of sales and services , and general and administrative expenses.

As a result of the foregoing, net income attributable to shareholders for the first quarter of the year is at P306 million, 69% lower than last year's net income of P976 million, but 1% higher than last year's recurring income of P302 million. 

Capital expenditure and film and program rights acquisition for the quarter amounted to P1.1 billion, 22% higher than the level of spending for the same period last year.

ABS-CBN maintained its national audience share and ratings leadership with prime-time audience share averaging 42% in the first quarter of 2012, with a 12 percentage point lead over GMA's, based on the Kantar National TV Ratings.

For the first three months of 2012, 17 of the company's shows were in the Top 20, with the following occupying the Top 10 slots: Walang Hanggan, Ikaw ay Pag-ibig, Budoy, My Binondo Girl, Dahil sa Pag-ibig, Eboy,Maalaala Mo Kaya…, TV Patrol (Weekday), Nasaan Ka Elisa, Wansapanataym, Junior Master Chef Pinoy Edition (Saturday) and Rated K Handa Na Ba Kayo?
ABS-CBN Film Productions, Inc. released five films in the first quarter of 2012. Three of them– Enteng ng Ina Mo, Segunda Mano and Unofficially Yours–topped P100 million in box office receipts, earning blockbuster status by local standards.

PAGKA-KALOG NI NIKKI AT EMPRESS, WORLDWIDE TRENDING TOPIC SA TWITTER

Kinaaliwan ng TV viewers at lalo na ng Twitter world ang kakulitan ng mga bida ng teleseryeng "Mundo Man ay Magunaw" na sina Empress at Nikki Gil sa guesting nila kamakailan sa talkshow ni Vice Ganda na "Gandang Gabi Vice."

Taliwas sa mga seryoso nilang karakter sa panghapong drama na "Mundo Man ay Magunaw," kinaaliwan ng mga manonood ang pakikisabay nila sa kapilyahan ni Vice. Sa pagkapatok ng usapan, agad na naging worldwide trending topic sa Twitter ang mga hash tag na 'Go Empress' at 'Nikki Gil' dahil sa pagkatuwa ng nakararami sa nakagugulat at kakaibang 'banana phobia' ni Nikki at ang pagiging 'frustrated singer' ni Empress.

Samantala, sa kabila ng mga tawanan nina Empress at Nikki sa likod ng kamera, patuloy naman ang pagtindi at pag-init ng mga tagpo ng kanilang mga karakter na sina Sheryl (Empress) at Jenny (Nikki)) sa "Mundo Man ay Magunaw." Matapos itaboy ng kanyang Lola Alicia (Tessie Tomas), unti-unti na bang mabubuksan ni Jenny ang puso para sa inang si Olivia (Eula Valdes)? Sino nga kayang makatutuklas na ang inaakalang patay nang si Bianca La Pena ay si Sheryl?

Huwag palampasin ang mga umiinit na eksena sa de-kalibreng teleserye ng ABS-CBN Kapamilya Gold na "Mundo Man ay Magunaw", araw-araw, 2:30pm, pagkatapos ng "It's Showtime." Para sa karagdagang impormasyon, mag log onsawww.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa twitter o i-'like' ang Facebook fanpage ng show na http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.

‘THE X FACTOR PHILIPPINES,’ HAHANAPIN ANG SUSUNOD NA SINGING SUPERSTAR

Magsasama-sama na ang celebrity judge-mentors ng "The X Factor Philippines" na sina Concert King na si Martin Nievera, Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano, international singing sensation na si Charice, at Asia's Queen of Songs na si Pilita Corrales dahil iikutin na nila ang bansa para hanapin ang Pinoy na may 'x factor' para maging susunod na singing superstar.

"Isang malaking karangalan na maging parte ng palabas na ito. Sumali na rin ako sa mga singing contest simula bata ako kaya alam ko ang nararamdaman ng mga contestant. Bilang isang judge-mentor, magiging mabait ngunit totoo ako sa kanila," ani Charice, ang pinakabatang judge-mentor sa buong kasaysayan ng "The X Factor."

Ibinahagi naman ni Martin ang kanyang saya na makatrabaho ang iba pang judg-mentors sa "The X Factor Philippines."

"Matagal ko ng kasama si Gary kaya maganda na ang nabuo naming samahan sa trabaho. Si Tita Pilita naman ang nakadiskubre sa akin at isa sa aking mga mentor. Siya ang unang nagsabi sa akin na may hinaharap ako sa industriyang ito. At siyempre nariyan si Charice na bagamat pinakabata ay pinakamarami namang karanasan para sa kanyang edad, kaya sigurado ako na marami siyang maibibigay sa programa. Talagang excited ako na makasama silang lahat," pagpapaliwanag niya.

Kasing-excited din ni Martin si Gary na sabik naman sa pag-mentor ng contestants. Ibinahagi niya rin ang kanyang opinyon sa posibleng kumpetisyong mabuo sa pagitan ng mga judge-mentor.

"Kung may hahamunin man ako iyon ay ang sarili ko lang. Hindi ito hamon sa ibang judge-mentors kasi kanya kanya kami ng ideya kung sino ang may 'x factor.'Mapa-Boys man, Girls, Over 30s, o Groups ang sasanayin ko, siyempre sana mula sa grupo ko ang tatanghaling manalo. Para sa aming mga judge-mentor, hindi ang pagbabagsak sa kalaban naming grupo ang hamon kung hindi ang mailabas naman ang pinakahusay nila sa larangan ng pagkanta at pagtatanghal," sabi ni Gary. ary.

 Samantala, amindao naman si Pilita, na hindi baguhan pagdating sa pagiging judge ng mga talent searche, na malaking hamon para sa kanya ang "The X Factor Philippines" dahil kakaiba ang show na ito kumpara sa ibang show kung saan naging hurado na siya.

"May mentoring na kasama dito. Hindi lang kami naghahanap ng boses, kundi naghahanap din kami ng personalidad na bebenta sa buong mundo. Kung kami ay naghahanap lang ng tao na magaling kumanta, libu-libo ang nasa bansa. Sa bawat kalye ay meron niyan, pero kailangan nila magkaroon ng "x factor." Kahit kami ay hindi mapaliwanag kung ano 'yon pero malalaman namin sa aming mga sarili kapag nakita na namain 'yon sa isang tao," sambit ni Pilita.

Sisimulan na nga nilang pumunta sa iba't ibang bahagi ng bansa kasama ang host na si KC Concepcion. Una ng sumali si KC sa unang set of auditions at maging siya ay namangha sa husay na pinamalas ng mga Pinoy.

"Ang gagaling talaga nila. Mabibigla ka na lang sa kaya nilang gawin. Talagang totoo ngang nasa Pilipinas ang pinakamahuhusay na singers. Mayroon ngang isang karenderya vendor, suot ang kanyang duster, na hindi mo aakalaing kaya bumirit ala-Whitney Houston," bahagi ni KC.

Unang tutungo si KC at mga judge-mentor sa gaganaping auditions sa Miyerkules (May 16) at Huwebes (May 17) sa Hoops Dome sa Cebu City.

Magpapakitang gilas naman sa kanilang harapan ang mga taga-Mindanao sa May 23 at 24 sa Davao Del Sur Coliseum.

Hindi naman papahuli ang mga taga-Maynila at mula sa iba pang bahagi ng Luzon sa auditions na gaganapin sa May 30, 31, at June 1 sa PAGCOR Theater sa  Paranaque City.

Bukas ang nasabing auditions sa publikong nais manood. Manatili lamang nakatutok sa ABS-CBN para sa mga lugar kung saan maimigay ng libreng tickets. Para sa nais manood sa gaganaping auditions sa Davao ay maaring kumuha ng ticket sa ABS-CBN Davao sa May 19, 1 PM at sa May 21 sa mismong venue sa parehong oras.

Para naman sa nais mag-live audience sa Manila ay pumila lamang sa ABS-CBN audience entrance sa Sabado (May 16), 1 PM.

Ang "The X Factor" ay isang worldwide hit franchise na nagsimula sa UK sa pamumuno ng grupo ni Simon Cowell. ABS-CBN ang nakakuha ng ekslusibong rights na i-localize ang programa. Ipamimigay din nito ang pinakamalaking papremyo sa isang talent search sa kasaysayan ng Philippine TV na aabot hanggang P4 million.

Pakaabangan ang biggest musical event ng taon na "The X Factor Philippines," kasama si KC Concepcion bilang host malapit na malapit na sa ABS-CBN.