Sunday, September 30, 2012

Xian Lim - Mint Holidays 2012 Campaign


Check out Xian Lim on various online posters for Mint Holidays 2012 campaign.

Xian's new teleserye, by the way, is "Ina, Kapatid, Anak" which is set to premiere very soon. He stars alongside Maja Salvador, Enchong Dee and screen partner Kim Chiu.










Ina Kapatid Anak - New Trailer


gayong Oktubre na ipalalabas sa ABS-CBN Primetime Bida ang pinakaaabangang de-kalibreng family drama na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador. Ang "Ina Kapatid Anak" ay isang malalim na kuwento tungkol sa pamilya, pag-ibig, kapangyarihan, tunggalian at pagtanggap. Bukod kina Kim, Xian, Enchong, at Maja, bahagi rin ng powerhouse cast ng "Ina Kapatid Anak" ang highly-acclaimed seasoned actors na sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Ariel Rivera; at tatlo sa pinakanirerespetong veteran stars na sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Guiterrez. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin. Abangan ang nalalapit nang engrandeng pagbubukas ng kuwento ng "Ina, Kapatid, Anak" ngayong Oktubre sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.

A Beautiful Affair - Full Trailer Released


After the success of their latest big screen team-up "The Mistress," Bea Alonzo and John Lloyd Cruz are now set to extend their 'affair' on primetime television. "A Beautiful Affair" is an upcoming romantic drama series about an architect (Cruz) who meets an heiress (Alonzo) in Vienna, Austria, where the love story will revolve. The teleserye also stars PBB Unlimited's Carlo Romero and Slater Young, under the direction of Katski Flores.

 

HIGIT 70,000 LUMAHOK SA “RUN, RIDE & ROLL FOR THE PASIG RIVER”

Mahigit 70,000 katao ang dumalo at nakiisa sa panawagang linisin ang Ilog Pasig sa "09.30. 2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River" sa kabila ng matinding pagbuhos ng ulan sa Quezon City kahapon ng madaling araw (Sept 30).

 

Mahigit 87,000 katao naman ang nagparehistro sa advocacy event na popondahan ang rehabilitasyon ng mga estero sa Quezon City. Mas mataas ang bilang na ito kumpara sa 86,547 na mananakbo sa "11.20.2011 Run for the Pasig River" na siyang pinakamalaking racing event sa bansa noong nakaraang taon.

 

"Ang dami pa ring tao kahit na umulan. Silang lahat, tumakbo at nag-bike sa ulan kahit na basang basa na. Ipinapakita nito ang prinsipyo at kagustuhan nilang linisin ang Ilog Pasig," pahayag ni Gina Lopez, ang managing director ng ABS-CBN Foundation na namamahala sa KBPIP.

 

Tinatayang 86,000 ang nag-register sa 5km race na siyang nagsimula sa ganap na 6 a.m. sa Quezon Memorial Circle (QMC) patungong Tandang Sora Flyover at Luzon Avenue, at pabalik sa QMC.

 

Mas maaga namang umarangkada ang 1,000 mananakbo, siklista, at skateboarders ng 4 a.m. at tinahak ang 15km na ruta mula sa QMC, patungong Commonwealth Elementary School, at pabalik muli sa QMC. 


Hindi rin nagpahuli sa takbuhan si Senador Pia Cayetano, ABS-CBN chairman at CEO na si Eugenio 'Gabby' Lopez III, si Gina Lopez, ang head ng ABS-CBN Cable Channels and Print Media Group na si Ernie Lopez, at ang Kapamilya stars na sinaKuya Kim Atienza, Matteo Guidicelli, Kim Chiu, Maja Salvador, at Xian Lim. 


Ayon naman sa head ng ABS-CBN Safety and Events Risk Management na si Martin Aguda, naging maayos ang advocacy event sa kabila ng pagbuhos ng ulan, ng malaking bilang ng tao, at  ang inaasahang pagsikip na daloy ng trapiko sa Elliptical Road. Aniya, magaan at tuluy-tuloy naman daw ang daloy ng trapiko sa Commonwealth Ave. kumpara sa ibang takbuhang ginanap sa nasabing daan. 


Tinatantiyang 8:15 a.m. na nang umalis ang huling batch ng mga mananakbo, ayon kay Aguda. 


Nanatili sa QMC ang karamihan sa mga kalahok para sa isang programa tampok sina Sam Milby, Venus Raj, Robi Domingo, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, at ang Quezon City Orchestra.

 

Ipinakilala at binigyang pugay din ni Gina Lopez sa programa ang kanilang partners sa rehabilitasyon ng mga estero sa Kamaynilaa at pati na ang River Warriors, na itinuturing niyang mga makabagong bayani, dahil sa kanilang pagpapatrol sa mga estero laban sa mga nagtatapon ng basura sa mga ito.

 

Layunin ng event organizer na KBPIP na makalikom ng P14 milyon upang simulang linisin ang mga estero sa Quezon City bilang bahagi ng pitong taong programang rehabilitasyon ng Ilog Pasig. Sinimula nang himukin ng KBPIP ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila kung kaya't sa 2013 ay sa San Juan City na gaganapin ang makasaysayang advocacy event.

Kilala ang KBPIP sa pag-oorganisa ng tatlong matatagumpay na takbuhan para sa Ilog Pasig, kabilang na ang 2009 Philippine International Marathon: A Run for the Pasig River ay nagkaroon ng 23,000 kalahok, ang makasaysayang 10.10.10 Run for the Pasig River na nagtamo ng Guinness World Record para sa "pinakamaraming kalahok sa isang racing event" na may 116,087 mananakbo, at ang pinakamalaking racing event sa bansa noong nakaraang taon na 11.20.2011 Run for the Pasig River, na nagkaroon ng 86,547 kalahok.

Saturday, September 29, 2012

BUM Limited Edition Shirt for Only P20!

BUM apparel is celebrating its 20th year with its chic black limited edition anniversary shirts for boys and girls.


Here are photos of Kapamilya heartthrob Daniel Padilla and Kapamilya young actress Empress Schuck for Bum Equipment. Cool shirts right?





For every minimum single receipt purchase of regular items worth P499.75, buyers can avail of these limited edition shirts for only P20. This anniversary promo will be available starting September 14 until October 15, 2012 at all SM Department Stores, Girls Teen’s Wear Dept., BUM boutiques and selected METRO Department Stores nationwide. Per DTI NCR Permit no.7664 series of 2012.

Boy Abunda Interviews Zac Efron


Asia's King of Talk--Boy Abunda--interviewed Hollywood A-lister Zac Efron during the heartthrob's Fan Conference for Penshoppe on Saturday at the SM Mall of Asia. Take a sneak peek:

Friday, September 28, 2012

SEN. CHIZ, TATAKBONG VP SA 2016?

Sa gitna ng matitinding usapin kaugnay ng nalalapit nang 2013 elections, uupo sa 'hot seat' ng "The Bottomline With Boy Abunda" ngayong Sabado (Setyembre 29) si Senator Francis 'Chiz' Escudero upang harapin ang sari-saring isyung ibinabato sa kanya ng publiko. Ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila ng aktres na si Heart Evangelista? May katotohanan bang mula sa pagiging independent candidate ay aanib siya sa partidong United Nationalist Alliance (UNA) na pinamumunuan ng dating Presidente na si Joseph Estrada at incumbent Vice President na si Jejomar Binay? Sa susunod na presidential elections sa 2016, may balak nga bang tumakbo si Sen. Escudero bilang Bise Presidente ng kasalukuyang Department of Interior and Local Government (DILG) secretary na si Mar Roxas? Makialam sa mga isyung panlipunan at huwag palampasin ang 'Ani ng Dangal 2012′ awardee na "The Bottomline with Boy Abunda" ngayong Sabado, 11:30 ng gabi, pagkatapos ng "Banana Split" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

BAGONG TAMBAYAN NGAYONG OKTUBRE

Bagong mga programa, bagong tambalan, at bagong saya ang hatid ng Tambayan 101.9 ngayong Oktubre para sa masusugid nitong tagapakinig.

 

Dahil gusto ng mga Tambayer ng mas magandang umaga, mas totoong kwento ng buhay, mas maraming OPM music, mas matinding kakulitan at kung ano ano pa kaya naman isang bagong Tambayan ang inihanda nila.

 

Simulan ang araw kasama si DJ Martin D sa "Gising Gising," 5 AM hanggang 9 AM, at salubungin ang umaga ng may positibong enerhiya.

 

Susundan naman ito ng nakaka-inspire na talakayan kasama si DJ Jasmin sa "Dear Jasmin" mula naman 9 AM hanggang 11 AM. Mananatili si Jasmin ng dalawa pang oras pagkatapos nito para naman magbasa ng inyong mga liham at iba't ibang drama sa buhay sa "Heart to Heart."

 

Pagpatak ng hapon, manatiling gising at buhay na buhay kasama si DJ Ronald Duck sa "Afternoon Dilat" mula 1 PM hanggang 3 PM at ipagpatuloy ang good vibes at saya kasama si DJ Charlie sa "Happy Hapon," 3 PM hanggang 5 PM.

 

Samantala, magpahinga at mag-relax kasama sina DJ Chinaheart at DJ Arnold Rei pagsapit ng 5 PM dahil ihahatid nila ang kaswal at kalma lang na usapan na tiyak magpapawala ng inyong mga pagod sa "Usapang Kanto."

 

All the way naman ang kuwentuhan tungkol sa kahit anong gusto mong pag-usapan kasama si DJ Cha-Cha sa "All Da Way," simula 8 PM hanggang 12 MN.

 

Hindi natatapos ang saya dahil pagsapit ng hatinggabi ay buhay na buhay ang harutan at tamang landian kasama si DJ Bea sa "Shortime" na susundan naman ng kulitang nauna pa sa sikat ng araw sa "Ayows" kasama sina DJ Charlie at DJ Ronald Duck sa ganap na 3 AM.

 

Huwag palalampasin ang bagong Tambayan 101.9 simula Oktube 1. Manatiling nakatutok sa Tambayan 101.9 sa radyo o makinig at manood dito online sawww.tambayan1019.com.

Thursday, September 27, 2012

SINO ANG MAGLALABAN-LABAN SA GRAND FINALS?

Apat na lang ang natitirang finalists sa "The X Factor Philippines" at sa pagtatapos ng linggo, makikilala na ang final three na maglalaban laban sa finale. Sino kaya kina KZ Tandingan at Allen Sta. Maria ng Girls, Gabriel Maturan ng Boys, at Daddy's Home ng Groups ang aabot sa inaabangang grand finals sa Oct 6 at 7? Isang matinding laban ang magaganap ngayong Sabado (Sep 29) dahil ito na ang huling pagkakataon nila para makalusot sa finals. Aawitin ng final four ang mga awitin mula sa kanilang musical heroes o idolo pagdating sa musika. Kakantahin ni Allen ang isang awitin mula kay Willow Smith habang si KZ naman ay manggugulat gamit ang awitin ni Chris Brown. Magpapakilig naman si Gabriel na maga-ala-Justin Bieber habang ang Daddy's Home naman ay bibirit sa awitin ng Journey. Makapasok kaya ang paborito niyong finalist sa grand finals? Noong nakaraang linggo, nagpaalam si judge-mentor Martin Nievera sa isa sa mga mentee niyang si Jeric Medina. Napauwi si Jeric matapos niyang makuha ang pinakamababang bilang ng boto kontra Daddy's Home na siyang katunggali niya sa bottom two. Para hindi malagay sa alanganin ang inyong idolo, siguraduhing bumoto pagkatapos ng kanilang performances sa Sabado (Sep 29). I-text lang ang XF<space>GAB/ALLEN/KZ/DAD at ipadala sa 2331 para sa Globe at Sun subscribers at 231 naman para sa Smart at Talk 'n Text subscribers. Huwag nang bibitiw sa mas tumitindi pang kumpetisyon sa"The X Factor Philippines," kasama si KC Concepcion bilang host, tuwing Sabado, pagkatapos ng "MMK," at Linggo, pakatapos ng "Sarah G Live," sa ABS-CBN. Sundan ito sa Twitter via @thexfactorphil at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/XFactorPhOfficial.

BAWAL ANG PLASTIK SA “GOIN BULILIT”

Bilang pagsuporta sa ordinansang nagbabawal sa paggamit ng plastik, ipapakita ng bibong kids ng "Goin' Bulilit ang kanilang mga spoof patungkol dito ngayong Linggo (Setyembre 30).

Abangan ang kanilang segments na "Bawal ang Plastic" at "Basurahan Gags" na hindi lamang magpapatawa kundi magbibigay din ng impormasyon ukol sa dulot ng paggamit ng plastik.

Maliban dito, isang kakaibang teleserye rin ang ibibigay ng bulilits na siguradong kikiliti sa lahat, ang "Teleseryeng Mahaba ang Pangalan" at "The Fourgets".

Kulitan at tawanan na naman ang hatid ng paborito nating Kapamilya kiddie gag show, "Goin' Bulilit", ngayong Linggo pagkatapos ng "TV Patrol Weekend" sa ABS-CBN.

SIKRETO NG VICE-DIREK WENN AT JODI-RICHARD POWER TANDEMS, IBUBUNYAG NA SA “SIR”

Feel-good episode ang hatid sa TV viewers ng "Showbiz Inside Report" ngayong Sabado (Setyembre 29) dahil tampok dito insipiring stories ng dalawa sa pinakamatagumpay na tandems sa showbiz—ang hit kilig-serye love team nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, at ang 'unkabogable' box-office duo nina Vice Ganda at Direk Wenn Deramas. Sa episode na pinamagatang "Tandems to Beat: Samahang Walang Katulad," tuklasin ang secrets to success nina Jodi, Richard, Vice at Direk Wenn at kung anu-anong pagsubok muna ang piangdaanan nila bago tuluyang makamit ang kanilang kasikatan. Inasahan ba nina Jodi at Richard na kakikiligan sila ng sambayanan at tatanghalin pang no.1 daytime TV program sa buong bansa ang kanilang seryeng "Be Careful With My Heart?" Paano pinatibay ng tagumpay ang samahan nina Vice at Direk Wenn? Handa na ba silang makumpara ang upcoming comedy film nilang "This Guy's In Love With You, Mare" sa huling pinagsamahan nila noong 2011 na highest-grossing Filipino film of all time, ang "The Unkabogable Praybeyt Benjamin?" Huwag palampasin ang success stories nila Jodi, Richard, Vice at Direk Wenn sa trending Saturday entertainment talkshow sa bansa, "Showbiz Inside Report," tuwing 2:30 ng hapon, pagkatapos ng "It's Showtime" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @SIRTVOfficial sa Twitter, o i-'like' ang Facebook fanpage na www.facebook.com/ShowbizInsideReport.AbsCbn.

WEDDING PROPOSAL NI GOMA KAY DAWN, KINAKILIGAN NG SAMBAYANAN

Muli na namang pinakilig ang buong sambayanan ng eternal love team nina Richard Gomez at Dawn Zulueta dahil pinakatinutukang wedding proposal ni Marco (Richard) kay Emily (Dawn) sa top-rating teleserye ng ABS-CBN na "Walang Hanggan."

Ayon sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Setyembre 24), humataw ng 36.6% national TV rating ang nasabing episode ng "Walang Hanggan" o halos 21 puntos na kalamangan sa katapat nitong programa sa GMA na "Luna Blanca" na nakakuha lamang ng 16.1%.

Bukod sa ratings, naging nationwide trending topic din naman ang hashtag na #WalangHanggan sa sikat na microblogging site na Twitter dahil sa dami ng tweets ng mga TV viewers kaugnay ng muling pag-aalok ng kasal ni Marco kay Emily. Bumuhos ng mga positibong tweets tulad ng: "@PrincessBeron: Nawala sa isip ko na scripted lahat 'yung mga kaganapan sa proposal. Ang galing kasi, hindi nagmukhang reel. #WalangHanggan;" "@imzulsaligan: Halos 9 months na rin ang itinagal ng #WalangHanggan. Tumatak na talaga ito sa puso ng mga manunuod from the very beginning;" at "@babesmared May alam po ba kayo na hihigit sa salitang KILIG? 'Yan po ipinaramdam ng #CharDawn at #WalangHanggan sa amin tonight! Salamat!"

Samantala, patuloy namang pinahahanga ni Dawn ang TV viewers at netizens hindi lang sa kanyang husay sa pag-arte kundi maging sa kanyang timeless beauty. Patunay dito ang latest recognition na natanggap niya mula sa sikat na entertainment blog site na Starmometer.com kung saan tinanghal si Dawn bilang 'Most Beautiful Pinay.' Base sa final tally ng website, nakakuha ng 129,683 na boto ang bida ng "Walang Hanggan" mula sa Facebook at Twitter. Sumunod kay Dawn sa listahan ang iba pang Kapamilya leading ladies tulad nina Angel Locsin, Sarah Geronimo, Anne Curtis, Kim Chiu, Jodi Sta. Maria, Kristine Hermosa, at Toni Gonzaga.

Huwag palampasin ang sunod-sunod na pasabog sa huling limang linggo ng top-rating Primetime Bida teleserye na "Walang Hanggan" gabi-gabi, pagkatapos ng "Princess and I" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sawww.walanghanggan.abs-cbn.com, i-like ang http://facebook.com/abs. walanghanggan, o sundan ang @walanghanggan_ sa Twitter.

Wednesday, September 26, 2012

YNARES, DUMAGUNDONG DAHIL KINA KATHRYN, ENRIQUE, KHALIL AT DANIEL

Dinumog ng halos tatlong libong die-hard fans ng "Princess and I" ang engrandeng 'Royal Fair' na ginanap kamakailan sa Ynares Sports Arena, Pasig City. Walang tigil sa tilian at sigawan ang mga tagasuporta nina Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Khalil Ramos at Daniel Padilla na nakisaya sa iba't ibang activities na inihanda ng programa kabilang na ang pinakaaabangang basketball match kung saan tinalo ng "Team Jao" na pinangunahan ni Enrique ang "Team Gino" ni Daniel. Samantala, ngayong inihahanda na si Mikay (Kathryn) sa kanyang pagbabalik sa Kaharian ng Yangdon bilang si Prinsesa Areeyah, paano tatanggapin ng mga taong malalapit sa kanya ang kanyang pag-alis sa Pilipinas? Hahayaan ba ni Gino (Daniel) na masolo ni Jao (Enrique) sa Yangdon ang nag-iisang prinsesa sa puso niya? Huwag palampasin ang mga susunod na rebelasyon sa buhay ni Prinsesa Mikay sa naghaharing teleserye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na "The Princess and I," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol." Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.

“INTERIOR MOTIVES” FEATURES DESIGNS FOR ASSISTED LIVING

This Saturday (September 29) on "Interior Motives", Angel Aquino will show how interior design is used as a tool for giving disabled people comfort and safety.

As part of the 45th anniversary of the Philippine School of Interior Design (PSID), they presented an interior design exhibit on assisted living titled, "Gabay: Dibuhong Umaakay".

"The entire exhibiting class was divided into 4 galleries - Dinig, Tanaw, Galaw, Tindig," said Jie Pambid, dean of PSID.  "We are hoping that through this exhibit, people will be more aware of the needs of people with disability," he added.

Two halls will be assessed; the Tindig and the Dinig hall. During Angel's visit to the latter, she will talk to Patricia Gomez, the designer of the den designed especially for the hearing-impaired. They have customized everything to make it suitable for those who can't hear from the walls to the chairs. "The brick walls have acoustic purposes and we have designed the chair for the needs of the deaf," said Patricia.

The Tindig hall meanwhile, designed by Jason Dela Peña for the orthopedically challenged is designed and measured specifically to accommodate a wheel chair. "Everything here is custom-made to ensure ease of use and mobility for the client like the sofa that's sturdy enough to allow ease of transfer from the wheelchair and vice versa. Everything is also within reach," said Jason.

To find out more about the designs and the other halls, watch "Interior Motives" with host Angel Aquino this Saturday (September 29) at 7:00 p.m. on the Lifestyle Network.  The channel is aired on SkyCable channel 52. For programming schedules and updates, like their Facebook page at www.facebook.com/LifestyleNetwork.


JAKE, HANDA NANG PANAGUTAN SI ANDI

Pananagutan na ni Rafael (Jake Cuenca) ang pagiging ama sa batang ipinagbubuntis ng kanyang kapatid-kapatirang si Veronica (Andi Eigenmann) sa papainit na kuwento ng "Kahit Puso'y Masugatan" ngayong linggo. Naudyukan ang binata na tanggapin ang responsibilidad matapos siyang ulanin ng pambabatikos mula sa mga taong nakapaligid sa kanila nang si Veronica'y nagtangkang magpakamatay. Isang kondisyon ang kanyang ibinigay kay Veronica at iyon ay ang bumukod sila at magsimula sa wala. Kayanin kaya ni Veronica ang hamon sa ngalan ng pag-ibig niya kay Rafael? Samantala, iniiwasan naman nina Andrea (Iza Calzado) at Miguel (Gabby Concepcion) ang isa't isa matapos silang pagtagpuin ng tadhana sa Macau. Tila may nabubuo na sa kanila ngunit mapagtatanto nilang hindi pwedeng magbunga ito lalo pa't si Miguel ang ama ng dating kasintahan ni Andrea na si Rafael. Paano kung tadhana muli ang magdikta ng kanilang madalas na pagkikita? Bibigay ba sila sa nararamdaman nila? Huwag palalampasin ang"Kahit Puso'y Masugatan," pagkatapos ng "Lorenzo's Time" sa ABS-CBN Primetime Bida. Sundan ang official Twitter account ng programa (@Official_KPM) at i-like ito sa Facebook ( https://www.facebook.com/OfficialKPM ).

SI MIGOY BA ANG SUSI PARA MABUNYAG ANG LIHIM NI JENNY?

Unti-unti nang lumalabas ang lihim ni Jenny (Kaye Abad) sa tunay na pagkatao ni baby Mac-Mac sa "Angelito: Ang Bagong Yugto." Matapos matuklasan ng kapatid ni Raffy (John Prats) ang pagkukubli ng mag-asawa, mismong kapatid naman ni Jenny na si Migoy (Sam Concepcion) ang bagong makakaalam ng katotohanan. Naudyok ang pagdududa ni Migoy matapos sabihin sa kanya ni Mai-Mai ang narinig na pag-uusap ni Raffy at Jenny kung saan sinabi ng huli na hindi dugo't laman ng una si Mai-Mai at Mac-Mac. Aaminin ni Jenny ang totoo kay Migoy at papakiusapan itong ilihim ito sa pamilya ni Angelito (JM De Guzman). Kakayanin kaya ni Migoy na ingatan ang sikreto ng kanyang ate at ikubli ang pagkatao ng pamangkin? Huwag bibitaw sa papagandang kuwento ng "Angelito: Ang Bagong Yugto," Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng "It's Showtime" sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

A Secret Affair - Full Trailer


Viva Films has just released the full trailer of "A Secret Affair" starring Andi Eigenmann, Derek Ramsay and Anne Curtis.

It was said to be the continuation of the 2011 box office hit movie "No Other Woman" which also starred Curtis and Ramsay.

.

Tuesday, September 25, 2012

HIMALA SA PAMILYA NI SEC. JOEL VILLANUEVA, IBABAHAGI SA "MMK"

Kwento ng pagsubok, pananampalataya at himala ang mapapanood sa "Maalaala Mo Kaya" ngayong Sabado (Setyembre 29) tampok ang espesyal na karanasan nina TESDA Secretary Joel Villanueva, ng kanyang asawang si Gladys, at ng kanilang panganay na anak na si Jaden. Sina Diether Ocampo at Maricar Reyes ang gaganap bilang mag-asawang Villanueva.

 

Mula nang magkakilala hanggang sa magpakasal, puno ng pag-ibig at saya ang buhay nina Joel at Gladys. Ngunit unti-unting sinubok ng tadhana ang tatag ng kanilang samahan nang matuklasan nilang hindi sila maaaring magkaanak dahil sa problemang medikal ni Joel. Sa labis na pagnanais ng kanyang misis na magkaanak, pinili ni Joel na ipatingin sa espesyalista ang kanyang kondisyon. Matapos ang ikalawang operasyon sa ibang bansa, ipinagtapat agad ng doktor kay Joel na kailanman ay hindi siya makakabuo ng anak--isang masamang balitang naglagay sa mag-asawa sa isang matinding pagsubok. Hanggang saan kayang punan ng pagmamahal ang labis na pananabik sa isang sanggol? Paano binago ng isang malaking himala mula sa Diyos ang buhay nila Joel at Gladys?

 

Bukod kina Diether at Maricar, bahagi rin ng "MMK" ngayong Sabado sina Tom Rodriguez na gaganap bilang si Sen. Chiz Escudero; Jim Paredes at Angelina Kanapi bilang ang mag-asawang Eddie at Dory Villanueva; Carme Sanchez bilang lola ni Joel; Minco Fabregas at Racquel Villavicencio bilang mga doktor; at sina Marco Gumabao at Hope Soberano bilang mga batang Joel at Gladys. Ito ay sa ilalim ng pananaliksik ni Alexandra Mae Martin, panulat ni Ruel Montañez, at direksyon ni Dado Lumibao.

 

Huwag palampasin ang inspiring story ng mag-asawang Joel at Gladys sa "Maalaala Mo Kaya" (MMK), ngayong Sabado, pagkatapos ng "Wansapanataym," sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates, mag log on sa www.mmk.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-"like" angwww.facebook.com/MMKOfficial.

"WANSAPANATAYM,” ITUTURO SA MGA BATA ANG HALAGA NG PAKIKINIG

Kahalagahan ng pakikinig sa kapwa ang ibabahagi ngayong Sabado (Setyembre 29) ng award-winning child actress na si Xyriel Manabat sa isa na namang special episode ng top-rating fantasy-drama anthology ng ABS-CBN na "Wansapanataym." Sa 'Hear Na U, Sorry Na Me' episode, gagampanan ni Xyriel ang karakter ni Tanya, isang batang namana ang pagiging mayabang ng kanyang ina. Nang minsang magkamali ang ilan sa kanilang mga empleyado, agad na tinanggal ng mommy ni Tanya ang mga ito nang hindi man lamang pinakikinggan ang kani-kanilang paliwanag. Matutunan na kaya ni Tanya at ng kanyang ina na makinig at tumanggap ng kanilang pagkakamali kapag naging tenga ng daga, kuneho, at elepante na ang kanilang mga tenga? Makakasama ni Xyriel sa 'Hear Na U, Sorry Na Me' sina Mylene Dizon, David Chua, Cai Cortez, at Mathew Mendoza. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Rafael Mercado at direksyon ni Darnel Villaflor. Huwag palampasin ang 2012 Prix Jeunesse International Festival Children's Jury Prize winner, "Wansapanataym" special ni Xyriel tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Monday, September 24, 2012

2012 RYDER CUP, LIVE NA IPAPALABAS SA BALLS

Isa sa mga sinusubaybayan sa mundo ng sports, ang Ryder Cup ay isang golf showdown sa pagitan ng United States at Europe, dalawang grupo na malakas sa larangan ng golf. Ginaganap lamang isang beses sa dalawang taon, panoorin ito live sa Balls mula Medinah Country Club sa Medinah, Illinois, United States ngayong darating na Setyembre 28 hanggang 30.

Ang Ryder Cup ay isang match play event sa pagitan ng mga golfers na pinili mula sa Team Europe at Team USA kung saan bawat isang panalo ay may katumbas na isang puntos. Sa unang dalawang araw paglalabanan ng mga golfers ang apat na foursome matches at apat na fourball matches bawat araw at sa huling araw magkakaroon ng 12 single matches. Upang mapanalunan ang kopa, 14½ na puntos ang dapat makuha ng USA sa loob ng 28 puntos samantalang ang title holder na Europe ay dapat makakuha ng 14 puntos upang mapanatili sa kanila ang titulo.

Ang Europe ang nagwagi sa 2010 Ryder Cup na ginanap sa Celtic Manor Resort sa Wales nang makakuha ito ng 14 ½ puntos kumpara sa 13 ½ puntos na nakuha ng USA.

Panoorin ang Ryder Cup ng live sa Balls Channel (Skye Cable Ch. 34) ngayong Biyernes (Setyembre 28), 8:00 p.m., Sabado (Setyembre 29), 8:00 p.m. at Linggo (Setyembre 30), 11:30 p.m. Palaging tumutok sa Balls at maging updated sa mga pinakabagong pangyayari sa mundo ng sports. Ang Balls Channel ay available sa Sky Cable Platinum, Sky cable Gold, Sky Cable Silver at sa higit 200 quality cable operators sa bansa. Para sa ibang updates, bumisita lang sa www.ballschannel.tv, i-like din ang official fan page sa Facebook na www.facebook.com/BallsChannel at sundan sa twitter @ballschannel.

'Suddenly It's Magic' Full Trailer Released

Check out the full trailer of "Suddenly It's Magic" starring Thai heartthrob Mario Maurer and Erich Gonzales.
 

Plot: Joey Hermosa (Erich Gonzales) and Marcus Hanson (Mario Maurer) only have two things in common. One: they live to make fairy-tale romances happen - Joey through her exquisite wedding cakes; Marcus through the numerous romantic comedies he stars in. Two: their own love stories do not have the fairy-tale happy endings - she was just recently dumped at the altar; he just discovered that his on-screen partner and real-life girlfriend had fallen in love with another man. 

 These two broken-hearted people will find love again when they least expect it. Sounds like the perfect recipe for a sweet ever after! 

Desperate to escape the media frenzy and the intrusive questions of the public about his love life and career, Marcus impulsively decides to go on vacation in the Philippines where he meets Joey who is determined to move forward with her life. Marcus finds himself drawn to Joey’s passion for baking, and rediscovers his love for acting. In love once again, he invites her to join him in Thailand. Joey refuses at first, but she eventually follows him to Bangkok and allows herself to fall in love again. But their love encounters opposition from Marcus’ fans who are desperate to see him reunite with his ex-girlfriend, and from his overprotective mother. Moreover, Joey’s responsibilities back home cause a strain in their relationship. Despite their love for each other, Joey and 

Marcus begin to question if their dreams are worth sacrificing for holiday romance suddenly turned serious. Can Marcus and Joey’s fairytale romance survive life’s realities?

 

Daniel Padilla Releases Music Video for 'Prinsesa'


Daniel Padilla premiered his very first music video on MYX. It's for his single "Prinsesa," off his debut self-titled debut album from Star Records which reached gold status in less than a month after its release.


ABS-CBN MAS TINUTUTUKAN SA PHL AT SA 12 LUGAR

Halos lahat ng kabahayan sa bansa ang tumututok sa ABS-CBN. Katunayan, nanguna ang ABS-CBN sa 12 lugar na maraming manonood ng telebisyon at pumalo pa ng napakataas na 73% audience share.


Kaya naman, pumalo ang ABS-CBN ng 43% average audience share, mas mataas ng 12 puntos sa 31% ng GMA noong Agosto, ayon sa datos ng Kantar Media.


At kung hihimayin, ABS-CBN pa rin ang naghahari, ayon sa datos ng Kantar Media TV diaries (July 29 - Agosto 4).


Sa Legaspi, halos lahat ng sambahayan ay nakatutok sa ABS-CBN ng makakuha ito ng pinakamataas na rating na 73% audience share, mas mataas ng 60 puntos kumpara sa GMA na nakakuha lamang ng 13%.


Ganoon din sa Iloilo kung saan nakakuha ang ABS-CBN ng 72% audience share, mas mataas ng 58 puntos sa 14% ng GMA.


"Napanatili ng ABS-CBN ang pangunguna sa mga rehiyong ito dahil sa ating mga de-kalibreng palabas, mga lokal na programa at mas pinalawig na signal. Mas naeengganyo kasi ang mga manonood sa mga lokal naming produksyon dahil tampok dito ang mga pangyayari sa kani-kanilang rehiyon," pahayag ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG) head na si Louis Benedict Bennett.


Sa Luzon, wagi ang ABS-CBN sa mga probinsiya ng Batangas at Naga kung saan halos lahat ng mga residente ay nakatutok sa mga programa nito. Nanguna ang ABS-CBN na may 69% audience share sa Batangas kumpara sa 17% ng GMA, habang sa Naga naman ay nakatanggap ang ABS-CBN ng 69% audience share laban sa 13% ng GMA.


Umariba rin ang ABS-CBN sa  pinakabago nitong istasyon sa Palawan na nakakuha ng 67% audience share, mas mataas ng 50 puntos sa 17% ng GMA.


Nakapagrehistro naman ang ABS-CBN sa Dagupan ng malaking paglago pagdating sa ratings nang tumaas ang audience share nito sa 45% mula sa 31% noong nakaraang buwan, habang ang GMA naman ay bumagsak ng 11 puntos sa 33% mula 44%.

Nakakita rin ng pagtaas sa Baguio na nakapagtala ng walong puntos na dagdag sa ratings sa 51% mula 43% samantalang bagsak rin ang GMA dito ng anim na puntos sa 21% mula 27% noong nakaraang buwan.


Sa Visayas, panalo rin ang ABS-CBN ng makakuha ito ng 63% audience share sa Cebu laban sa 18% ng GMA at wagi rin ang Kapamilya Network sa puso ng mga Negrense ng makapagtala ito ng 62% audience share sa Bacolod laban sa 10% ng GMA.


Patuloy rin ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa Mindanao kung saan 68% audience share ang natanggap nito sa Davao kumpara sa 12% ng TV5 at 9% ng GMA.


Numero uno rin ang ABS-CBN sa Cagayan de Oro kung saan tumanggap ito ng 58% audience share kumpara sa 20% ng TV5 at 12% ng GMA.


Panalo rin ang ABS-CBN sa General Santos na nakakuha ng 51% audience share laban sa 28% ng TV5 at 12% ng GMA.


Habang wagi ang ABS-CBN sa lahat ng nabanggit na lugar, ang mga kalabang network na GMA ay pumangalawa lamang sa walong lugar at ang TV5 sa apat.


Kamakailan lamang inanunsyo ng ABS-CBN ang pagpapalawig ng coverage nito sa telebisyon at radyo sa iba't ibang panig ng bansa at ang pagpapatayo nito ng sampung bagong relay stations.


"Ang ABS-CBN ang unang TV network na magtatayo ng mga istasyon sa mga lugar tulad ng Oriental Mindoro, Davao Oriental, Antique, at Negros Occidenta at mag-eere ng mga lokal na programa. Hindi pa ito nagagawa ng ibang TV network," ani Bennett.

KIM, XIAN, ENCHONG AT MAJA, PAIIBIGIN NA ANG SAMBAYANAN SA “INA KAPATID ANAK”

Ngayong Oktubre na ipalalabas sa ABS-CBN Primetime Bida ang pinakaaabangang de-kalibreng family drama na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, at Maja Salvador. Ang "Ina Kapatid Anak" ay isang malalim na kuwento tungkol sa pamilya, pag-ibig, kapangyarihan, tunggalian at pagtanggap. Bukod kina Kim, Xian, Enchong, at Maja, bahagi rin ng powerhouse cast ng "Ina Kapatid Anak" ang highly-acclaimed seasoned actors na sina Janice de Belen, Cherry Pie Picache at Ariel Rivera; at tatlo sa pinakanirerespetong veteran stars na sina Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil at Eddie Guiterrez. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Don Cuaresma at Jojo Saguin. Abangan ang nalalapit nang engrandeng pagbubukas ng kuwento ng "Ina, Kapatid, Anak" ngayong Oktubre sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.facebook.com/InaKapatidAnak.TV o sundan ang @_InaKapatidAnak sa Twitter.

R&B SINGER YOUNG JV, NEXT BIG THING NG PINOY MUSIC

Bagong tunog at kakaibang music style ang hatid ng R&B singer na si Young JV sa kanyang debut album sa Star Records na may title na "Doin' It Big."

Ayon sa singer-actor na bahagi rin ng top-rating Sunday musical variety show ng ABS-CBN na "ASAP 2012," espesyal para sa kanya ang kanyang unang album sa bago niyang recording label dahil ibibida niya sa album ang lahat ng kaya niyang gawin.

"Isang taon naming binuo itong album at maraming styles ng music ang ginawa namin dito na siguradong maa-appreciate ng youth at young adults--from hip hop, R&B, acoustic, house, at iba pa," ani Young JV, na bukod sa mga teleserye ay minsan na ring lumabas sa pelikula sa pamamagitan ng blockbuster hit nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson na "Won't Last A Day Without You."

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records at Doin' It Big Productions, 10 tracks ang laman ng album ni Young JV kabilang ang special collaborations niyang 'Boy Meets Girl' kasama si Yeng Constantino, 'Hurts So Bad' kasama si Karylle, 'Alay' kasama si Akiko, 'Rock This Town' kasama sina Laze and Yumi, at ang carrier single-turned-dance-craze nitong 'Your Name' na kinanta niya kasama ang Pinoy Big Brother Teen Edition 4 big winner na si Myrtle Sarrosa. Bahagi rin ng tracklist ang 'Get Up And Dance,' 'Kailan Kaya,' 'Tanong,' 'Got To Have You,' at 'Pinas.'

Ang "Doin' It Big" album ni Young JV ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari na ring ma-download ang tracks nito sawww.starrecords.com.ph at www.mymusicstore.com.ph.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

COMPLICATED LOVE TRIANGLE NINA TONI, LUIS AT VICE, READY NANG I-SHARE SA “THIS GUY’S IN LOVE WITH YOU, MARE”

Magsasanib-pwersa na sa kauna-unahang pagkakataon ang box-office trio ng Philippine comedy--box-office queen Toni Gonzaga, box-office Comedy leading man Luis Manzano, at box-office goddess Vice Ganda--sa pinakaaabangang comedy movie event of the year mula sa Star Cinema, ang "This Guy's In Love With You, Mare" na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa October 10.

 

Sa ilalim ng direksyon ng box-office director na si Wenn V. Deramas, tampok sa "This Guy's In Love With You, Mare" ang complicated, unique, at nakaaaliw na love triangle story ng isang babae, ng isang lalaki, at ng isang nagpapakalalaki.

 

Kung kailan handa nang mag-move on si Lester (Vice) mula sa masaklap na break-up nila ng long-time boyfriend niyang si Mike (Luis), bigla niyang matutuklasan ang tunay na rason ng paghihiwalay nila—si Gemma (Toni), ang girlfriend ni Mike na malapit na niyang pakasalan.

 

Sa ngalan ng paghihiganti, kaya bang mag-transform ng isang mare bilang lalaking maton at paibigin ang girlfriend ng kanyang ex-boyfriend?

 

Bukod sa box-office trio nina Toni, Luis at Vice, bahagi rin ng "This Guy's In Love With You Mare" sina Edgar Mortiz, Buboy Garovillo, Gladys Reyes, DJ Durano, Karla Estrada, Carla Martinez, at Ms. Tessie Tomas. Kasama rin sa pelikula sina Jayson Gainza, Eagle Riggs, Ricky Rivero, IC Mendoza, Dang Cruz, Cecil Paz, Manuel Chua, Ricci Chan, Lassy, Tess Antonio, at Edward Mendez.

 

Huwag palampasin ang pinakamaagang pamasko ng Star Cinema na tiyak magpapakilig at magpapahalakhak sa buong sambayanan ang "This Guy's In Love With You, Mare" na ipalalabas na sa mga sinehan nationwide sa October 1O, 2012.

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "This Guy's In Love With You, Mare," mag- log on lamang sa http://www.StarCinema.com.ph/,http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

Friday, September 21, 2012

'This Guy's In Love with You, Mare!' - Full Trailer


Star Cinema and Viva Films have released the full trailer of the upcoming comedy movie "This Guy’s In Love With U Mare" starring Luis Manzano, Toni Gonzaga and Vice Ganda, which is showing on October 10, 2012. The film is directed by Wenn V. Deramas.

 

KATHRYN, KHALIL AT DANIEL, MAY ROYAL TREAT SA "ASAP 2012"

Isang royal surprise ang ihahandog ng "ASAP 2012" ngayong Linggo (Setyembre 23) sa engrandeng pagbisita ng "Princess and I" lead stars na sina Kathryn Bernardo, Khalil Ramos at Daniel Padilla.

Bukod sa pagpapakilig ng teen stars ng no.1 royal teleserye sa bansa, abangan din sa "ASAP 2012" centerstage ang special triple celebration ng birthday, 25th showbiz anniversary, at ng paglulunsad ng 'Beinte Sinko' concert ng Asian Acoustic Sensation na si Aiza Seguerra na sasamahan ng mga taong pinakamalalapit sa puso niya.

Sunod-sunod rin ng pagdiriwang ang dapat abangan ngayong Linggo kabilang ang muling pagbabalik ng Divine Diva na si ZsaZsa Padilla; gold record awarding sa bandang Parokya ni Edgar kasama sina Gloc 9 at Frank Magalona; at launch ng pinakabagong album ni Markki Stroem.

Makisaya at maki-party sa engrandeng triple birthday bash nina Zia Quizon kasama sina Bamboo at Paulo Valenciano; Marcelito Pomoy kasama ang ASAP Pinoy Champs; at Robi Domingo kasama sina Kim Chiu, Shaina Magdayao, at Megan Young.

Abangan rin ang makatindig-balahibong showdown nina Yeng Constantino, Jed Madela, at ng "The X-Factor Philippines" top 5 na sina Allen, KZ, Jeric, Gabriel, at Daddy's Home.

Samantala, tunghayan ang husay at talento ng mga Pinoy sa panibagong kwento ng inspirasyon na ibabahagi ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano sa 'With Love, Gary V;' sa 'X Class' concert experience na ihahandog ng Asiansation na si Christian Bautista kasama sina Martin Nievera at Richard Poon; at sa show-stopping performance na inihanda ng ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga.

Isang 'around the world' Supahdance treat naman ang masasaksihan ngayong Linggo sa makapigil-hiningang dance showcase nina Gerald Anderson, Cristine Reyes, Maja Salvador, Iza Calzado, John Prats, Rayver Cruz, Iya Villania, at Sam Concepcion

Makikanta, makisayaw at makisaya sa 2012 Gawad Tanglaw Best Musical Variety Show na "ASAP 2012" ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter, o i-'like' ang http://facebook.com/asapofficial.

SOBRANG SINGIL SA KURYENTE, HIHIMAYIN NI TED

Sumasakit na rin ba ang inyong ulo sa taas ng singil sa inyong kuryente?


Kadalasan ay wala ng magawa ang isang ordinaryong konsyumer kung hindi bayaran ang bill kaya naman para mas lubusang maunawaan, hihimayin ni Ted Failon ang bawat nilalaman at binabayaran ninyo sa inyong bill sa kuryente ngayong Sabado (Sep 22) sa "Failon Ngayon."

Makikita sa bill ang mga tinatawag na Generation Charge— ang pinaka-malaking bahagi ng electric bill— ang Transmission Charge, ang Distribution Charge at iba pa kasama na ang tinatawag namang System Loss.


Ang Transmission Charge ay ang sinasabing nawawalang kuryente mula sa Generator patungo sa Distributing Utility. Ang kuryente na nawawala mula sa Distributing Utility patungo sa mga kabahayan ay ang tinatawag naman na System Loss. Parehong ang Transmission Charge at System Loss ay binabayaran ng taong bayan. Makatarungan nga bang ang kuryenteng nawawala at hindi natin napapakinabangan ay binabayaran din ng mga mamamayan?


Kamakailan lamang, nagreklamo ang Meraldo ng overcharging sa transmission line costs ng Power Sector Assets and Liabilities Management o PSALM, ang kasalukuyang generator at provider ng Meralco. Malinaw na mayroon ngang nangyayaring overcharging mula pa noong 2006 hanggang sa kasalukuyan.


Ang isyu ng mataas na singil sa kuryente, hihimayin at ipaliliwanag ni Ted Failon ngayong Sabado (Sep 22) sa "Failon Ngayon," 4:45 PM sa ABS-CBN. Mag-kumento at ipahayag ang inyong saloobin sa official page ng programa sahttp://www.facebook.com/failon.ngayon at i-follow ito sa Twitter sahttp://www.twitter.com/Failon_NgayonI-tweet ang inyong mga opinyon gamit ang hashtage na #FailonNgayon.

SINO ANG TOTOONG JUAN PONCE ENRILE?

Bakit nga ba bumaliktad si Juan Ponce Enrile kay dating Pangulong Marcos? Ano ang alam niya tungkol sa pagpatay kay Ninoy Aquino at sa napakaraming sibilyan noong martial law?

Sa unang pagkakataon, isa-isang sasagutin ng kasalukuyang Senate President ang kanyang mga papel sa kasaysayan ng bansa sa isang dokumentaryo sa ABS-CBN.

Bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng pagdeklara ng Batas Militar sa Pilipinas, sisilipin ng ABS-CBN News and Current Affairs ang ilang pangyayari at kontrobersiya sa kasaysayan mula sa mga mata ni Enrile. Alamin din ang mga kuwento mula sa mga taong nakasalamuha, nakatrabaho at nakabangga ng dating kinatatakutang tagapamahala ng Martial Law at napagbintangang nasa likod ng kudeta sa dating Pangulong Cory Aquino. Sa kabila nito, itinuring din si Enrile na bayani ng EDSA Revolution na nagpatalsik kay Marcos at kamakailan ay umani pa ng papuri sa Senate impeachment court na humatol sa kay dating Chief Justice Renato Corona.

Sa edad na 88, iginiit ni Enrile na panahon na para mapabulaanan ang ilang baluktot na detalye ng kasaysayan ng bansa bago siya magretiro.

Ano nga bang bahagi ng kasaysayan ang kailangang maitama? Sino nga ba si Juan Ponce Enrile? Alamin ang mga kasagutan sa "Johnny: The Juan Ponce Enrile Story" ngayong Linggo na (Sept 23) sa Sunday's Best pagkatapos ng "Gandang Gabi Vice" sa ABS-CBN.

"PRINCESS AND I," 3 WEEKS NANG HARI NG PRIMETIME!

Three weeks nang no.1 overall TV program sa buong Pilipinas ang royal teleserye ng ABS-CBN na pinagbibidahan ni Kathryn Bernardo na "Princess and I."

 

Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Miyerkules (Setyembre 19), 'Hari ng Primetime' muli ang "Princess and I" taglay ang 40% national TV ratings o halos 25 puntos na kalamangan kumpara sa bagong programang katapat nito sa GMA na "Aso ni San Roque" na nakakuha lamang ng 15.3%

 

Samantala, inaanyayahan ang lahat ng loyal viewers ng "Princess and I" at ang solid fans nina Kathryn, Enrique Gil, Khalill Ramos, at Daniel Padilla na dumalo sa pinakaaabangang Royal Fair ng "Princess and I" ngayong Sabado (Setyembre 22) na gaganapin ng alas-10 ng umaga sa Ynares Sports Arena, Pasig City. Mapupuno ng kasiyahan at kilig ang nasabing Royal Fair dahil sa mga inihandang sorpresa para sa lahat ng dadalo.

 

Huwag palampasin ang mga susunod na pasabog sa buhay ni Mikay (Kathryn) na kinikilala na ngayon ng lahat bilang si Prinsesa Ariyah sa "The Princess and I," gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o i-follow ang @abscbndotcom sa Twitter.


80,000 KALAHOK MAKIKI-RUN, RIDE AT ROLL PARA SA PASIG RIVER

Higit 80,000 kalahok ang inaasahang dadalo at makikiisa sa panawagang linisin ang mga estero sa Metro Manila sa "09.30.2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River" na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle (QCMC) ngayong Setyembre 30.

Iba-ibang paaralan, non-government organizations, at ahensya ng pamahalaan na ang nangakong makikiisa sa advocacy event na bukas para sa mga mananakbo, siklista, at skateboarders at popondohan ang rehabilistasyon ng mga daluyan ng tubig sa Quezon City. 

Hinihimok naman ang lahat ng lalahok na magdala ng kanya-kanyang lalagyan ng inumin dahil hindi magkakaroon ng disposable cups ang lahat ng water stations na nakapuwesto sa kahabaan ng Commonwealth Avenue. Isasagawa ito ng Kapit Bisig Para sa Ilog Pasig (KBPIP) upang itaguyod ang pangangalaga sa kalikasan at suportahan ang kautusan ng lokal na pamahalaan ng QC na ikontrol ang paggamit ng mga plastic bag sa mga tindahan, palengke, at iba pang pamilihan sa lungsod.

Bilang paghahanda sa event, magsasara sa ganap na 12 m.n. sa Setyembre 30 ang mga kalyeng gagamitin ng mga kalahok. Mananatili namang bukas sa trapiko ang dalawang magkabilang lanes ng Commonwealth Avenue. Magbubukas din nang maaga ang mga parking lot sa SM North Edsa at Trinoma para sa mga kalahok na may sasakyan, habang may libreng sakay din ang Metro Rail Transit (MRT) para sa magpiprisinta ng kanilang race bibs mula 4 a.m. hanggang 9 a.m.

Makikiisa sa kampanya para sa isang mas malinis na Ilog Pasig ang Kapamilya celebrities na sina Piolo Pascual at Matteo Guidicelli category na lalahok sa CEO River Warrior Run, na bukas lamang para sa mga business executive na donors din ng KBPIP. Sasabak naman sa 5km Madness Run sina Kim Chiu, Maja Salvador, Maricar Reyes, at Xian Lim. 

Ang 15K Ride & Roll para sa mga siklista at skateboarders ay magsisimula sa ganap na 4:00 a.m. gunstart; ang 15K Commonwealth Challenge Run naman sa 4:10 a.m.; at ang 5K Morning Madness Run ay aarangkada ng 6:00 a.m. Mag-uumpisa ang lahat ng ito sa iisang starting line sa QCMC na tutuloy sa Commonwealth Avenue at pabalik sa QCMC para sa finish line. 

Ang paglilinis sa mga estero ng QC ay bahagi ng estratehiya ng KBPIP na linisin ang lahat ng estero na dumadaloy patungong Ilog Pasig sa loob ng pitong taon para lubusang malinis ito. 

Kilala ang KBPIP sa pag-oorganisa ng tatlong matatagumpay na takbuhan para sa Ilog Pasig, kabilang na ang 2009 Philippine International Marathon: A Run for the Pasig River ay nagkaroon ng 23,000 kalahok, ang makasaysayang 10.10.10 Run for the Pasig River na nagtamo ng Guinness World Record para sa "pinakamaraming kalahok sa isang racing event" na may 116,087 mananakbo, at ang pinakamalaking racing event sa bansa noong nakaraang taon na 11.20.2011 Run for the Pasig River, na nagkaroon ng 86,547 kalahok.

Pinondohan ng mga takbuhang ito ang rehabilistasyon ng Estero de Paco, isang sanga ng Ilog Pasig na may habang 2.9 kilometro, at ang paglilinis ng Estero de San Miguel at apat pang estero sa likod ng Malacañang Palace. Unti-unti nang napaganda at nalinis ang mga esterong ito sa pamamagitan ng paglilipat ng libu-libong pamilya na nakatira sa mga ito, paggawa ng maaayos na lakaran, pagsasanay ng community volunteers na kung tawagin ay River Warriors na siyang naglilinis at nagbabantay sa mga estero laban sa mga nagtatapon ng basura, at ang paglalagay ng aparatong bubuhay muli sa Ilog Pasig. Noong Hulyo, naglagay na rin ng mga ilaw ang Lungsod ng Maynila sa kahabaan ng Estero de Paco para sa mga namamasyal at upang maging modelo ng rehabilitasyon para sa iba pang daluyan ng tubig. 

Nagwagi ang 10.10.10 Run for the Pasig River ng Bronze Anvil at Award of Excellence sa 45th Anvil Awards na ipinarangal ng Public Relations Society of the Philippines, habang ang paglilinis naman sa Estero de Paco ay umani ng Award of Merit sa 2010 Philippine Quill Awards ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines.

Patuloy pa rin ang registration para sa "09.30.2012 Run, Ride & Roll for the Pasig River" sa mga booth sa SM North EDSA, SM Megamall, SM Mall of Asia, R.O.X, Chris Sports Festival Mall, at Chris Sports Glorietta hanggang Setyembre 29. Para sa updates ng advocacy run, mag-log on sa www.runforthepasigriver.com , i-like ang www.facebook.com/runforthepasigriver  o sundan ang @run4pasigriver sa Twitter.

REPLAY NG "BE CAREFUL WITH MY HEART," MAS PINAHABA!

Due to insistent public demand, mas mahabang "Be Careful With My Heart Sabado Rewind" na ang eere simula ngayong Sabado (Setyembre 22), mula 10am hanggang 11:30am, bago ang "it's Showtime." Ang isa't kalahating oras ng "Sabado Rewind" ay punong-puno ng nakatutuwa at nakakikilig na past episodes ng no.1 daytime TV program sa buong bansa na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Ito ay handog para sa lahat ng fans na hindi nakakanood ng "Be Careful With My Heart" tuwing umaga at maging sa avid viewers na gustong ulit-ulitin ang kilig moments nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard). Samantala, patuloy na kumapit araw-araw sa pinakapinag-uusapang kilig-serye sa buong bansa "Be Careful With My Heart," tuwing 10:45am, bago mag-"It's Showtime," sa Primetanghali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @becarefulheart sa Twitter; at i-'like' ang official Facebook fanpage ng show sa www.facebook.com/becarefulwithmyheartofficial.